Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Loisa Andalio Kathry Bernardo

Loisa at Kathryn 8 taon na ang pagkakaibigan: Genuine lahat ng usapan namin  

MA at PA
ni Rommel Placente

SA guesting ni Loisa Andalio sa Magandang Buhay, nag-share ito ng ilang detalye ukol sa pagkakaibigan nila ni Kathry Bernardo na ayon sa kanya ay inabot na ng walong taon.

Ayon sa boyfriend ni Ronnie Alonte, isa si Kath sa maituturing niyang tunay na kaibigan sa showbiz na kahit hindi sila palaging nagkikita ng personal ay napanatili  ang kanilang espesyal na samahan.

“Kasi kami ni Kathryn nagkakasama lang kami kapag may event ang ABS-CBN, kapag may after-party,” sabi ni Loisa.

Sabi pa ng dalaga, super thankful siya na naging friend niya si Kathryn. Feel na feel kasi niya ang kabaitan nito. “’Yung totoong connection, mararamdaman mo.

“‘Yung friendship kasi namin kahit hindi magka-text everyday pero kapag nagkasama kayo ‘yung true connection sa inyo talagang mararamdaman mo.

“Low-key lang kayong dalawa, basta masaya lang kayo, nandoon ‘yung totoong bonding niyo. Genuine lang lahat ng usapan niyo kapag magkakasama,” sabi pa ni Loisa.

Sa katunayan, hindi pa sila magdyowa ni Ronnie nang mag-start ang friendship nila ni Kathryn.

Nag-explain din siya kung bakit wala silang masyadong litrato ni Kathryn sa social media, “Kasi hindi rin ako ma-picture-picture masyado.”

Paglalarawan pa niya kay Kathryn bilang kaibigan, isa itong good example sa mga kababaihan. “Nakai-inspire si Kathryn kasama rin kasi na inspirational talaga siya sa babae. 

“Feeling ko kaya gustong-gusto ako ni Kathryn kasi nga clown niya ako, aliw na aliw din siya talaga sa akin kaya feeling ko magugustuhan ka rin niya,” chika pa ni Loisa na ang tinutukoy ay ang isa sa mga host ng Magandang Buhay na si Melai Cantiveros.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …