Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Toni Gonzaga Pepe Herrera My Sassy Girl 

Toni dream come true ang Pinoy adaptation na Korean romantic comedy

MA at PA
ni Rommel Placente

PAGKATAPOS mapanood sa pelikulang  My Teacher noong 2022, na pinagbidahan nila ni Joey de Leon, nagbabalik sa big screen si Toni Gonzaga via My Sassy Girl opposite Pepe Herrera. Isa itong Pinoy adaptation mula sa 2001 hit South Korean romantic comedy film na pinagbidahan nina Jun Ji-hyun at Cha Tae-hyun.

Si Toni mismo ang nag-produce ng pelikula sa pamamagitan ng kanyang TinCan at distributed ng Viva Films. Idinirehe ni Fifth Solomon at si Toni rin ang kumanta ng themesong na I Believe, na hit single noon ni Jimmy Bondoc.

Ayon sa tinaguriang Ultimate Multimedia Star, dream come true para sa kanya na gawin ang My Sassy Girl at maituturing niya itong isang blessing.

Twenty years after the film was released, I’m given the opportunity to play the role here in the Philippines. I consider it as a big blessings,” sabi ng misis ni Direk Paul Soriano.

Dagdag ni Toni, “Sabi ni Direk Cathy [Garcia-Sampana], ‘Panoorin mo ‘yung ‘Sassy Girl.’ Iyan ang peg namin sa ‘yo. Dapat ganyan ka, may pagka-feisty.’”

Mula nang ilabas ang official trailer ng pelikula last week, nasa over 2million views na ang nakuha nito and still counting. 

Meaning, maraming gustong mapanood ang pelikula. 

Isa kami sa nakapanood ng trailer nito at nakatutuwa talaga ang mga eksena rito. Isa sa nagustuhan namin ay nang sumakay sa isang train sina Toni at Pepe. Tinanong si Toni ng isang batang pasahero rin ng train, kung boyfriend niya ba si Pepe? Sabay sabi nito na mukhang ta.. si Pepe. Tawa kami ng tawa sa eksenang ‘yun.

May isang eksena rin sa pelikula na sobra kaming natawa. Ito ay noong nag-uusap sina Toni at  Pepe, na sinabi ng una sa huli, na kapag nagre-recital siya, ay hindi siya nagsusuot ng panty. Na ikinagulat ni Pepe.

Naniniwala kami na kapag ipinalabas na ang ito sa mga sinehan simula sa January 31 ay magiging hit ito sa takilya. Bukod nga kasi sa nakatutuwa ang pelikula, sikat, marami ang gustong makapanood, lagi namang pinipilahan sa takilya ang mga pelikulang ginagawa ni Toni. 

In fairness sa kanya, wala pa siyang pelikulang nag-flop sa takilya. Lahat ay kumita, sa totoo lang.

Kasama rin sa cast sina Yayo Aguila, Alma Moreno, Benj Manalo, Bodjie Pascua, Boboy Garrovillo,at ang yumaong si Joey Paras.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …