Sunday , December 22 2024
Cedric Juan Boy Abunda

Cedrick Juan sa pagkapanalo sa MMFF — Deserved kong manalo

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

DESERVED kong manalo.” Ito ang matapang na tinuran ni Cedrick Juan nang mag-guest siya sa show ni Boy Abunda, ang Fast Talk with Boy Abunda matapos siyang tanghalin Best Actor sa 49th Metro Manila Film Festival kamakailanTinalo niya sa kategoryang ito sina Piolo Pascual, Dingdong Dantes at Alden Richards.

Sa mga hindi nakaaalam, 10 taon nang umaarte si Cedrick at una niyang ipinakita ang talentong ito sa teatro. Kaya hindi na rin kuwestiyonable kung may K nga ba siya.

Napanood namin si Cedrick sa GomBurZa na ginampanan niya ang karakter ni Padre Jose Burgos attalaga namang napaka-epektibo niyang nagampanan iyon. Humanga kami sa kanyang galing na para sa amin ay mahirap gampanan kung mahina-hina o hindi ka magaling na aktor.

Deserve kong manalo dahil alam kong pinagpaguran ko siya ng 10 taon, at alam ko na gusto kong gamitin ang platform na ito para mag-inspire at makatulong sa nation-building,” ani Cedrick.

Inalala ni Cedrick ang challenges na kanyang pinagdaanan bilang artista bago narating ang kasalukuyan niyang kinalalagyan.

Nasabi ni Cedrick na hindi niya inaasam na maging isang “celebrity” at hindi rin siya nagtatanong uk sa TF. Kaya naman natanong siya ni Kuya Boy ukol dito.

Siguro nasanay na po ako sa theater. And alam namin na hindi kami kikita rito pero sige, for the art and for all the learnings and their presentations,” ani Cedrick.

Naniniwala ako sa tinuran ni Cedrick na hindi siya nagtatanong ukol sa talent fee dahil may nakapagsabi na sa amin kung gaano kabait at kagalang ang aktor. Estudyante pa lamang ito sa FEU ay marami na ang humahanga sa kabaitan nito.

Nailahad din ni Cedrick na marami siyang pinagdaanang hamon. “Rugs to riches po talaga. Pinagtrabahuhan,” esplika niya.

Ibinuking din niyang hindi sang-ayon ang mga magulang niya sa kanyang pag-aartista, “When I started pursuing this, mahirap po talaga, as in nakakaaway ko sina mama at papa, bakit ko ito ginagawa.

“They are asking me nga na, ‘You finished a four year course, sana humanap ka ng day job.’ Sa Pilipinas, parang extracurricular ‘yung pag-pursue ng arts, eh,” sabi pa ni Cedrick.

At ukol naman sa style ng acting niya. Hindi siya iyong nagkakabisa tulad ng ginagawa ng karamihan.

I don’t memorize first. Gusto ko munang maintindihan ‘yung konteksto ng character, so babasahin ko muna multiple times.

“Nandoon na rin ‘yung repetition na ‘yon so that I would understand the context of each line,” ani Cedrick.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …