HARD TALK
ni Pilar Mateo
KINALAMPAG ng mamamayan ng Ibabang Pulo, Pagbilao Quezon si Chairman George Garcia ukol sa disqualification case na inirekomenda ni Provincial Elections Supervisor Atty. Allan Enriquez laban kina Brgy Chairman Gina Amandy at Kagawad Arnel Amandy ng Brgy Ibabang Pulo, Pagbilao Quezon
Balita kasing naiproklama na raw ang dalawa kahit may election violations tulad ng paglagay ng mga oversized tarpaulins. Kailan kaya maaksiyonan itong mga isinampang kaso sa dalawa?
Nagpahiwatig na noon si Chairman Garcia na hahabulin pa rin ng Comelec ang lahat ng may campaign violations kahit naiproklama na ang mga ito.