Wednesday , May 14 2025
Arvin Naeem Taguinota

Taguinota, dalawang ginto na sa Batang Pinoy PSC BP POOL

TATLONG ginto ang agad na nilangoy ni Arvin Naeem Taguinota II para sa City Government oF Pasig upang manguna sa  mga most medalled athlete habang perpekto ang Cagayan De Oro sa boxing sa pagpapatuloy ng mga kompetisyon sa 2023 Batang Pinoy at Philippine National Games 2023 na ginaganap sa iba’t-ibang lugar sa Kamaynilaan. 

Ang 12-anyos na si Taguinota, na tinanghal na Best Swimmer sa age group 11-12 years old sa Dubai, ay agad inangkin ang pinakaunang ginto sa best time finals na swimming format, sa itinalang 2:25.20 minuto ng Boys 8-12 200m Individual Medley na nilahukan ng kabuuang 109 swimmers. 

Sunod nitong nilangoy ang ginto sa Boys 12 & Under 50m backstroke sa pinakamabilis na 31.15 segundo bago idinagdag Martes ng umaga ang ikatlo niyang kabuuang ginto sa Boys 12 & Under 100m Backstroke sa 1:05.63 minuto upang tanging atleta na may pinakamaraming napanalunan.  

Una nang itinala ni Taguinota ang pagwagi ng anim nag into sa 50m, 100m, 200m back strokes, 200 Individual Medley, 50m at 100m free events sa pagtala nito sa bagong personal best pati na sa UAE meet record upang tangahlin na Best Swimmer sa age group 11-12 years old sa Emirates International Swimming Championships na ginanap sa Hamdan Sports Complex sa Dubai UAE, na nilahukan din ng mahigit na 1,000 swimmers noong Marso 17-19, 2023. 

Ang iba pang nakapagwagi ng mga medalya ay sina Jamesray Mishael Ajido ng Mandaluyong City na nagwagi sa Boys 13-15 200m IM (2:15.30m), at Boys 13-15 50m Butterfly (25.94s) at si Michaela Jasmine Mojdeh ng Paranaque City na nagwagi sa Girls 16-17 200m IM (2:28.18m) at Girls 16-17 50m Butterfly (29.27s). 

Samantala’y nagpamalas naman ng kahusayan ang mga boxers mula sa Cagayan De Oro na ginigiyahan ni 2022 Tokyo Olympics silver medallist Carlo Paalam matapos agsiusad ang 10 nitong lahok sa Batang Pinoy at 9 na miyembro sa PNG sa dalawang araw ng kompetisyon sa boxing. 

Humakot ang City of Bacolod at Iloilo ng tigalawang ginto sa pinaglabanang unang 14 ng ginto sa Taekwondo  

Wagi si Ace Sha Oro sa Light Heavyweight at Joshua Emmanuel Deita sa Light Middleweight para sa Bacolod habang nanalo sina Justin James Diasnes sa Lightweight at Shein Nicole De Asis sa Kyorugi 5th category. 

Wadi ng ginto si Brianna Elyse Cajucom ng City of Caloocan sa Individual Kata Female 10-11 years old, habang sa Individual Kata Male Male 12-13 years old si Robert Bryan Dayanan ng City of Davao.  (HATAW Sports)

About hataw tabloid

Check Also

Alan Peter Cayetano

Oras ng pagboto, trabaho ng mga guro, kailangan ng agarang reporma — Cayetano

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma …

Marikina Comelec

Kahit nanguna sa bilangan
MARCY TABLADO SA COMELEC
May DQ ka pa – en banc

TINABLA ng Commission on Elections (Comelec) en Banc ang proklamasyon ni Marcelino “Marcy” Teodoro bilang …

Comelec Pasig

Kasama ang 92-anyos kapatid at tumangging dumaan sa priority lane
101-ANYOS BOTANTE SA PASIG UMAKYAT SA 3/F PARA IBOTO MGA KANDIDATONG SINUSUPORTAHAN

KABILANG ang isang 101-anyos senior citizen sa mga pinakamaagang nagtungo sa San Miguel Elementary School, …

Comelec Vote Election Hot Heat

Sa Pangasinan
Buntis na nagle-labor bumoto, senior citizen dedbol sa init

SA KABILA ng mga hudyat ng pagle-labor, nagawang bumoto muna ng isang buntis sa lalawigan …

Bustos Bulacan

Nagpakilalang taga-media at Comelec
Headquarters ng kandidatong VM pinasok ng armadong kalalakihan 

NAHINTAKUTAN ang ilang residente na nasasakupan ng isang barangay matapos pasukin ng mga armadong kalalakihan …