Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Maricel Soriano Roderick Paulate LA Santos

Kuya Dick nag-enjoy sa pagsampal kay Maria 

MA at PA
ni Rommel Placente

ISA ang mahusay na aktor na si Roderick Paulate sa bida sa In His Mother’s Eyes mula sa 7K Entertainment, na ang dalawa pa sa bida ay sina Maricel Soriano at LA Santos,na gumaganap bilang mag-ina sa pelikula.

Natutuwa si Kuya Dick na muli niyang nakatrabaho sa pelikula ang matalik niyang kaibigang si Maricel.

Ang last movie na ginawa namin ni Maricel was ‘Gorio at Tekla’ pa,” sabi ni Kuya Dick.

Patuloy niya, “At nakikita na lang natin na nili-link sa TikTok ‘yung mga TV show namin.

“But I”m very honored and happy to be working with her again.

Pero ‘yun nga, medyo nagkataon, na ang inirereklamo ko lang dito, is kambal kami.

“Siyempre, parang nainsulto ako,” natatawang sabi pa ni Kuya Dick.

“Lagi kong sinasabi sa kanya sa shooting, ‘pasalamat ka pumayag akong maging kambal mo. Kita mo magkamukha tayo,’l natatawang sabi uli ni Kuya Dick.

Sa pelikula ay dalawang beses na sinampal ni Kuya Dick si Maricel. Sabi nga ng award-winning actress na nagbibiro, “sobra siyang nag-i-enjoy sa shooting lalo na noong dalawang beses niya akong sinampal Tuwang-tuwa siya. Parang tumama sa lotto.”

Na nang marinig ni Kuya Dick ang sinabing ‘yun ni Maricel, nag-butt in agad siya at natatawang tinuran, “’Yung mga nasampal niya (sa serye at pelikula), naigantu ko.”

Wish lang ni Kuya Dick na sana ay panoorin ang kanilang pelikula dahil maganda ang script nito.

Showing na sa November 29 ang In His Mother’s Eyes na mula sa direksiyon ni FM Reyes.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

Angelica Panganiban Jeffrey Jeturian Unmarry

UnMarry informative at entertaining  

I-FLEXni Jun Nardo GOOD choice ang film festival entry na UnMarry para sa grand kambak (comeback) ni Angelica …

Shake Rattle and Roll SSR Evil Origins

SRR: Evil Origins walang tapon sa 3 episodes

ni Allan Sancon STAR studded at tunay na engrande ang Red Carpet Premiere ng Shake, Rattle …

SRR Origins

SRR: Evil Origins tagumpay sa pananakot; mga eksena makapigil-hininga

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINUPORTAHAN ng kani-kanilang pamilya ang mga bidang sina Richard Gutierrez at Ivana Alawi sa premiere …

Unmarry cast

Zanjoe pang-best actor ang galing; Zac agaw-eksena sa UnMarry

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NANGINGILID na ang luha ni Angelica Panganiban bago pa man magsimula ang screening …