MA at PA
ni Rommel Placente
SA kanyang Instagram account, nagpa-Q&A session sa mga netizen si KC Concepcion sa pamamagitan ng “Ask Me Anything.”
Ilan sa mga question na ibinato sa kanya ng mga IG users ay sinagot niya sa pamamagitan ng video. Isa sa mga tanong kay KC ay tungkol sa umano’y pabago-bago niyang itsura.
Tanong ng IG follower ni KC, “Y nmn super pa alter ng face?” Na ang sagot dito ng dalaga ay walang binago sa mukha niya at naka-make-up lang siya ng sandaling ‘yun.
“Ano bang pinagsasabi ninyo guys, ha? Make-up lang yan. Just relax, okay? And be happy,”pagtatanggol ni KC sa sarili.
Sinagot din niya ang nagtanong na netizen ng, “Are you really pregnant?” Sey ni KC, lumang balita na ito at never pa siyang nabuntis.
“Guys old news na yan. No! I’m not. I’ve never been. And I hope one day I will be and I will let you know.
“Tigilan niyo yan ha, paulit-ulit. Sa totoo lang,” ang medyo pikon nang sabi ni KC.
Ilang beses na kasing natsismis na buntis si KC, ilang beses na rin niya itong idinenay.
Taong 2019 nang mabalitang pregnant siya uli na mariin din niyang itinanggi, “You guys have to stop with these pregnant rumors already.
“That rumor has been going around since my college years FOR NO REASON.
“I have NEVER BEEN PREGNANT in my life. In fact, HOW I WISH I COULD BE!” paglilinaw ni KC.