Sunday , December 22 2024
Matteo Guidicelli Penduko

Penduko pampamilya, simula ng kakaibang epik

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Samantala, nagbabalik sa big screen ang legendary superhero. May bagong mukha, may bagong kuwento pero punompuno pa rin ng exciting at out-of-this-world adventures. Si Matteo ang pinakabagong Penduko na mapapanood in cinemas nationwide, sa December 25, 2023.

Ire-reimagine ng award-winning at box-office director na si Jason Paul Laxamana ang comic book character na nilikha ng National Artist na si Francisco V. Coching’s noong 1954 at muling ikukuwento ang istorya ni Pedro Penduko para sa bagong henerasyon.

Sa pagbida ni Matteo, mapapanood din sa pelikula ang mga a-list at award-winning actors. Ang multi-awarded best actor na si Albert Martinez ay gaganap bilang si Gat Blanco, respetadong businessman na nagmamay-ari ng Hatinggabi, isang underground company na may albularyos-for-hire. Ang internationally acclaimed actor at Venice Film Festival awardee na si John Arcilla ay gaganap naman bilang Apo Tisot, isang kilalang albularyo at ama ni Pedro. Ang award-winning best actress naman na si Kylie Verzosa ay gaganap bilang Liway, ang maganda, nakakaakit, at hinahangaang agent ng Hatinggabi.

Ang Penduko ay tungkol sa kuwento ni Pedro, isang binatang may angking galing at husay sa mythical at supernatural powers. Namana nila ito ng kanyang ama na si Apo Tisot sa kanilang mga ninuno. Pero hindi tulad ni Apo Tisot na ginagamit ang kakayahan sa paggagamot at pagtulong sa mahihirap, may ibang gustong gawin si Pedro para sa sarili niya.

Matapos iwan ang kanyang ama at umalis sa bayan nila, lilipat si Pedro sa siyudad para tuparin ang kanyang mga pangarap, pero magiging mailap ang suwerte kay Pedro at kinakailangan nitong pumasok sa iba’t ibang trabaho, at tuluyang sasayangin ang itinatagong galing.

Pero magbabago ang ihip ng hangin nang kunin siya ng isang secret organization na pagmamay-ari ni Gat Blanco at gawing albularyo agent. Sa pagpasok ni Pedro sa organisasyon, mas mahahasa pa niya lalo ang kanyang talento na hahangaan ng marami, pero may mga maiinggit din dito.

May darating naman na makapangyahirang kulam at itim na mahika na maglalagay sa peligro sa maraming tao, kasama rito ang mga taong mahalaga kay Pedro. Dahil dito, haharapin ni Pedro ng buong tapang at lakas ang mga bago at hindi inaasahang kalaban.

PENDUKO is the first MMFF venture of Epik Studios and Sari Sari Network, Inc. We are very excited and we look forward for families to watch this amazing masterpiece,” ani Epik Studios at Sari Sari Network, Inc. Co-Chairman, Jane Basas.

Let’s make the MMFF a family tradition every Christmas once again. We want kids and parents to have a meaningful movie bonding experience. Brace yourselves for this is just the beginning of something EPIK.” sabi naman ni Epik Studios President at Sari Sari Network, Inc. Co-Managing Director Vicente Del Rosario III.

Mapapanood din sa Penduko sina Mark Anthony Fernandez, Phoebe Walker, Marissa Sanchez, Candy Pangilinan, Andrea Del Rosario, Arron Villaflor, Gene Padilla, Joe Vargas, Martin Venegas, Keagan De Jesus, Kurt Delos Reyes, Tyro Daylusan, Annika, Zombie Tugue, TJ Valderrama, Jobelyn Manuel, JC Tiuseco, Andrea Babierra, at marami pang iba. 

Ang Penduko rin ang magiging big screen debut ng Mini Miss U viral contestant ng It’s Showtime na si Annika Co.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …