Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Criminology student patay sa hazing ng Tau Gamma

101823 Hataw Frontpage

NAGLAHONG parang bula ang pangarap na magiging pulis ang isang criminology student ng Philippine College of Criminology (PCCR) nang mamatay matapos sumailalim sa hazing ng Tau Gamma Phi Fraternity kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Sa ulat kay Quezon City Police District (QCPD) Director P/Brig. Gen. Redrico Maranan, idineklarang dead on arrival sa Chinese General Hospital ang biktimang si Ahldryn Lery Chua Bravante, 25, 4th year Criminology Student at residente sa No. 17 Pinabayaan Esguerra Compound, Brgy. Pasong Buwaya, Imus, Cavite.

Nasa kustodiya ng Quezon City Police District- Criminal Investigation and Detection Group (QCPD-CIDU na pinamumunuan ni P/Maj. Don Don Llapitan, ang mga suspek at mga initiator na sina Justine Cantillo Artatez, 20, 3rd year Criminology Student ng PCCR, ng Rowen St., Marceles Subdivision, Imus, Cavite; Kyle Michael Cordeta de Castro, 21, residente sa Bulusan St., Brgy. Paang Bundok, Quezon City; Lexe Angelo Diala Manarpies, 20, estudyante ng PCCR, taga-Aguho St., Brgy. Claro, Project 3, Quezon City, at Mark Leo Domecillo Andales, 20, estudyante ng PCCR at naninirahan sa Neptali Gonzales St., Sitio II, San Jose, Mandaluyong City.

Batay sa imbestigasyon nina P/MSgt. Alvin G Quisumbing at P/Cpl. Nestor Ariz, Jr,. nangyari ang insidente dakong 2:00 pm nitong Lunes sa abandonadong gusali ng STEPS Condominium sa Calamba St., Brgy. Sto Domingo, Quezon City.

Bandang 7:00 pm nang makatanggap ng tawag ang Blumentritt PCP ng Manila Police District mula sa Chinese General Hospital na isang lalaking puno ng pasa at walang malay ang dinala ng dalawang lalaki.

Agad nagtungo sa CGH sina P/SSgt. Paolo H. De Guzman, P/Cpl. Benedict Gutierrez, at Pat. Mac Rupert Delatado ng MPD.

Sa salaysay nina Artatez at de Castro, inamin nilang miyembro sila ng Tau Gamma Phi Fraternity Philippine College of Criminology (PCCR) Chapter at sumasailalim sa initiation rites si Bravante.

Napansin na lamang nilang nahirapan sa paghinga si Bravante at nawalan ng malay kaya dinala na nila sa nasabing ospital.

Bandang 6:40 pm nang ideklaranng DOA ni Dr. Pamela Tangcueco ang biktima habang inaresto sina Artatez at de Castro. Boluntaryong sumuko sina Manarpies at Andales.

Lumilitaw sa cursory examination nagkaroon ng hematoma sa magkabilang hita ang biktima bukod sa mga paso ng sigarilyo sa dibdib at kamay.

Tinungo ng SOCO Team ng QCPD Forensic Unit sa pangunguna ni P/SMSgt. Federico Manzano ang lugar ng initiation rites at tanging anim na bote ng tubig lang ang nakita.

Nagsasagawa pa ng follow up ang pulisya upang mahanap ang posibleng ginamit na pamalo sa biktima. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …