SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
Samantala, mapangahas ang mga karakter na bibigyang buhay nina Kim, Paulo, at sa suspense-thriller series na Linlang.
Iikot ang kuwento ng serye kay Victor “Bangis” Lualhati (Paulo Avelino), dating boksingero na naging seaman, at sa kanyang pagtuklas ng katotohanan sa likod ng pagtataksil ng kanyang asawang si Juliana (Kim Chiu).
Sa pag-iimbestiga ni Victor kay Juliana, madidiskubre niya na hindi lang simpleng pangangaliwa ang ginawa nito.
Pero sa pag-ungkat niya sa katotohanan, mapipilitan siyang harapin ang mga pagkukulang niya at alamin ang halaga niya bilang lalaki at bilang asawa.
“Salamat sa tiwala and thank you [to Prime] for providing us a platform na maipalabas itong series na pinaghandaan talaga namin. Sobrang excited ako na mapanood siya worldwide,” ani Kim para sa pagiging parte niya sa panibagong collab serye ng ABS-CBN at Prime Video, pagkatapos ng Fit Check: Confessions of an Ukay Queen.
Makakasama rin nina Kim, Paulo, at JM ang mga premyadong aktres na sina Maricel Soriano at Ruby Ruiz, at ang isa sa rising stars ng ABS-CBN na si Kaila Estrada.
Kabilang din sa serye sina Jaime Fabregas, Raymond Bagatsing, Albie Casiño, Jake Ejercito, Heaven Peralejo, Adrian Lindayag, Race Matias, Benj Manalo, Lovely Abella, Frenchie Dy, Ross Pesigan, Hanna Lexie, Juno Advincula, Connie Virtucio, Lotlot Bustamante, Meann Espinosa, Danny Ramos, Bart Guingona, Marc Mcmahon, Anji Salvacion, at Kice. Sina FM Reyes at Jojo Saguin naman ang mga direktor ng serye.