MA at PA
ni Rommel Placente
TRENDING ngayon sa social media si Joey de Leon. Ito ay dahil sa pagbibiro niya sa episode ng kanilang noontime show nitong September 23, na may konek sa suicide.
Nangyari ito sa segment na “Gimme 5” na kailangang magbigay ng contestant ng limang bagay na isinasabit sa leeg.
Tanging necklace lang ang naisagot ng contestant. Sa katapusan ng round one, biglang nag-suggest si Joey ng isa pang bagay na pwede raw isabit sa leeg.
“Lubid, lubid, nakakalimutan niyo,” ang birong hirit ni Joey. Na ang reaksiyon at paniniwala ng karamihan sa nakapanood ng programa, ang isina-suggest ni Joey ay may kaugnayan sa pagpapakamatay.
Ayon sa netizen, napaka-insensitive raw ng joke ng TV host lalo na sa mga taong nagluluksa pa rin ngayon dahil sa pagkawala ng kanilang mga mahal sa buhay sa pamamagitan ng pananakit sa sarili at pagpapamatay gamit ang lubid.
Narito ang ilan sa mga reaksiyon ng netizens sa sinabi ng TV host at komedyante na iti-nag pa nila ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) pati na ang chairperson nitong si Lala Sotto.
“Really? Mga bagay na sinasabit sa leeg ay lubid? REALLY JOEY DE LEON???? LALA SOTTO ANO NA????”
“Joey de Leon, deboto ka ng Catholic Church di ba? Bakit mo gagamiting punchline ang ‘lubid sa leeg?’”
“This is a trigger warning clip about suicide and Joey De Leon can’t shut his mouth.”
“Ang lala ni Joey de Leon, tumandang paurong talaga!”
“My mom’s an Eat Bulaga fan ever since pero never talaga ako natuwa sa Joey de Leon na yan. Bukod sa corny ng mga jokes, bastos na, pangit pa ng way ng pag-iisip.”
Kasunod nga nito ang panawagan ng mga netizen kay Chair Lala na kastiguhin at parusahan din si Joey tulad ng ginawa kina Vice Ganda at Ion Perez.
“It’s Showtime got suspended for doing something completely normal. Joey de Leon, again, making problematic, insensitive jokes about mental health, and their show still goes on.”
“Tapos sasabihin nila ang pagkain ng icing ay criminal act.. sana naman isipin nila na hindi criminal act ang pagkain ng icing… Yung pagsasalita ni tanda matindi.”
“The way he said it parang joke lang. inulit ulit pa. what if mapanood ito ng someone na may mabigat na pinagdadaanan at yun ang magtrigger. ano masasabi ng spiritual convivtion mo dto lala sotto?”
“Sabi ng MTRCB, mas masahol pa rin daw kumain ng icing ng cake kaysa sa magbiro tungkol sa pagpapakamatay. Mas triggered warning pa rin daw ang icing ng cake at ganun ang mindset nila. Basta E.A.T. hosts, okay lang daw.”
“Galaw galaw Lala Sotto palagi kang trending. Joey de leon ipahinto muna baka sabihin mo manghingi lang ng sorry. Inumpisahan mo sa Showtime, eh, yan tuloy.”
Bago ito, pinatawan ng MTRCB ng 12-day suspension ang kalaban ng E.A.T. na It’s Showtime dahil sa pagsubo ng icing nina Vice at Ion sa “Isip Bata” segment gamit ang kanilang daliri.
Bukas ang aming kolum sa magiging paliwanag ni Joey tungkol sa isyung ito sa kanya.
Sa kabilang banda, mabilis namang umaksiyon ang MTRCB sa panawagan ng netizen ukol sa sinabi ni Joey sa kanilang show.
Anang ipinadalang statement ngMTRCB, rerebyuhin nilang mabuti ang ukol sa segment na naganap sa E.A.T. at idedetermina ng kanilang ahensiya kung may nalabag nga ito sa PD no 1986.
Narito ang kabuuang statement na ipinadala ng MTRCB:
“Taking cognizance of the complaints from the viewing public in relation to E.A.T. Gimme 5 segment aired last 23 September 2023, the Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) shall determine if the same are valid and presumably violative of Presidential Decree No. 1986 and/or its Implementing Rules and Regulations.”