Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
David Licauco

David may dahilan ang pagiging suplado at isnabero

MA at PA
ni Rommel Placente

SA interview ni David Licauco sa 24 Oras, nagpaliwanag siya kung bakit may mga pagkakataong tahimik lang siya, na hindi siya kumikibo, na inaakala tuloy ng ibang tao na suplado at isnabero siya sa tunay na buhay.

Paliwanag ng binata, ang pagiging tahimik niya ay may kinalaman sa sa kanyang health condition na tinatawag na sleep apnea. Ito ay isang sleep disorder na tumitigil kung minsan ang paghinga ng taong mayroon nito habang siya’y natutulog.

Sabi ni David, plano niyang magpa-opera dahil sa kanyang kondisyon pagkatapos ng primetime series nila ni Barbie Forteza sa GMA 7 na Maging Sino Ka Man.

Gusto ko nang magpaopera after this show (Maging Sino Ka Man), so hopefully I find the time na magawa ko ‘yun, kasi I think sleep is the best gift by God,” sabi ni David.

Tungkol naman sa napapagkamalan siyang suplado, ang sabi niya, may konek ito sa kanyang kondisyon.

I tend to be, parang iniisip ng mga tao na mataray ako, suplado, but actually may napi-feel kasi ako sa umaga na bigat eh, so parang wala ka sa mood, so I had to work out,” paliwanag pa niya.

Nauna rito, ibinalita na rin ni David last June, 2023 ang pagkakaroon niya ng sleep apnea na siya ring nagiging dahilan ng pagiging late niya kung minsan sa taping ng kanyang projects.

My breathing stops for like mga 30 seconds straight, 24 times in an hour. So, all throughout the night, hirap ako eh. So stressed ako. So paggising ko sa umaga, I’m stressed also,” aniya pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …