SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
IKINASAL na si Lovi Poe sa kanyang British boyfriend at film producer na si Montgomery Blencowe sa Cliveden House sa United Kingdom.
Limang taong tumagal ang relasyon ni Lovi kay Monty bago nila napagkasunduang magpakasal.
Ang fashion designer na si Patricia Santos-Yao ang gumawa ng wedding gown ni Lovi at ang kaibigang si Adrianne Concepcion ang bridesmaid at stylist.
Backless wedding gown ang damit ni Lovi, habang naka-traditional suit and tie si Monty.
Ani Lovi, “I wanna savor this moment, habang naglalakad na tinutugtog ang Pangarap Ko Ang Ibigin Ka ni Regine Velasquez samantalang kapansin-pansin ang pagpupunas ng luha ni Monty.
Taong 2019 nang mag-post si Lovi na kasama ang English film producer na si Monty. Noong 2021 naging engaged ang dalawa.
Sa isang sikat na hotel na mayroong 47 rooms tumira ang mga special guest na galing ‘Pinas nina Lovi at Monty. Kabilang sa mga dumalo sina Sen. Grace Poe-Llamanzares at anak nitong si Bryan, ang kuya rin niyang si Ronian Poe, Tim Yap, Isabella Daza, at Bela Padilla.
Nakita rin namin na dumalo ang kanyang manager na si Leo Dominguez mula sa ipinost nitong picture gayundin ang mag-asawang Vicky Belo at Hayden Kho.
Naunang lumakad sa aisle ang ring bearer, limang flower girls, apat na bridesmaid, na sinundan ng ina ni Lovi na si Rowena Moran.
Sa picture na ipinost ni Lovi sa kanyang social media account, sinabi nitong, “I have found the one who makes my soul sing (pulang pusong emoji). #LoviGoesFullMonty”
At bago ang kasal may post pa si Lovi ng picture ng Cliveden House na may caption siyang, “You give me butterflies.”