Sunday , December 22 2024
Jose Manalo Wally Bayola Wow Mali Doble Tama

Jose at Wally magbibigay ng dobleng saya sa Wow Mali: Doble Tama

RATED R
ni Rommel Gonzales

DOBLE ang katatawanan, doble ang kalokohan, at doble ang kasiyahang hatid sa grand comeback ng longest-running at multi-awarded prank show ng bansa sa mas pinalakas na Wow Mali: Doble Tama, simula Agosto 26 at tuwing Sabado, 6:15p.m.  sa TV5 at 7:00P p.m. sa BuKo Channel.

Nakilala ang Wow Mali bilang kauna-unahang prank show ng Pilipinas na kinagiliwan ng mga Filipino simula nang umere ito noong 1996. Naging instant hit ang mga kuwelang “candid camera” pranks ng programa, dagdag pa ang witty hosting ng original prank master na si Joey De Leon, kaya naman naging household term na ang Wow Mali sa mga Pinoy.

Ngayong Agosto, magbabalik ang legacy show na ito ng TV5 para muling maghatid ng kakulitan, kalokohan at katuwaan sa Wow Mali: Doble Tama sa pangunguna ng kilalang comic duo na sina Jose Manalo at Wally Bayola bilang mga bagong prankmasters ng programa.

Co-produced ng APT Entertainment at Cignal TV para sa TV5, ang Wow Mali: Doble Tama ay magbibigay ng times two na kasiyahan at sorpresa sa hatid nitong new-generation humor, nakatatawang segments, at kaabang-abang na parodies.

About Rommel Gonzales

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …