Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krystall Herbal Oil

Sales clerk bilib na bilib sa husay at galing ng FGO’s Krystall Herbal oil

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Dear Sis Fely Guy Ong

         Ako po si Cecille Montano, 45 years old, isang sales clerk sa isang membership shopping company, at kasalukuyang naninirahan sa Quezon City.

         Ngayon pong panahon ng tag-ulan, ang problema namin ay ang humahabang oras ng pagtatrabaho. Obligado po kasi kaming tumulong sa araw-araw na pagliligpit ng mga items dahil inaabot ng baha ang loob ng shopping center.

         Super late na kaming nakauuwi tapos papasok nang maaga, kasi nga muli naming aayusin ang mga display items. Hindi naman namin maintindihan kung bakit ayaw gumawa ng paraan ng management para hindi maperhuwisyo ang kanilang negosyo.

Anyway, ang ise-share ko po ‘yung benefits ng Krystall Herbal Oil sa ganitong sitwasyon naming mga empleyado.Minsan nga po ay nababad ang aming mga paa sa baha habang itinutulak namin ang mga cart na kinalalagyan ng mga commodities. Marami po sa amin ang bumigay at nagpaalam na uuwi na, kaya ang nangyari tatlo lang kaming natira. Pasado alas 2:00 ng madaling araw na kami natapos. Pag-uwi ko sa bahay, banlaw agad at linis ng paa.

Pero noong natutulog na ako, bigla akong nagising, pinulikat ang kaliwang binti ko, grabe ang sakit. Agad kong ginising ang anak kong katabi ko sa pagtulog at nagpahaplos ng Krystall Herbal Oil. Pinatupi ko rin ang aking hinlalaki papunta sa akin hanggang humupa ang pamimitig.

Siguro nga po dahil matagal nababad sa baha at nilamig kahit na kami’y nakabota.

Mabuti na lamang at mayroon kaming naka-stock na Krystall Herbal Oil. Actually, lagi talaga kaming nag-i-stock ng Krystall Herbal Oil kasi po, marami kaming pinaggagamitan nito at bahagi na talaga ng aming araw-araw na pangangailangan.

Maraming salamat po Sis Fely Guy, dahil napakahusay ng inyong imbensiyon at napakalaking tulong sa aming araw-araw na pamumuhay at pangangalaga sa kalusugan.

Lubos na sumasainyo,       

CECILLE MONTANO

Quezon City

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …

Christine Dayrit 60 Dream Holidays Around the World

Lipa City Top Global Destination sa 60 Dream Holidays Around the World ni Cristine Dayrit

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez LIPA, isang lungsod sa Batangas na paboritong local destination ng may …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

Araneta City

Christmas Happenings in Araneta City (Dec. 18 to 24, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

BingoPlus G2E Asia PH FEAT

BingoPlus furthers Responsible Gaming and Corporate Social Responsibility Campaign at G2E Asia PH

Erick Su, Head of ArenaPlus under DigiPlus Interactive Corp. at the G2E Asia PH 2025. …