Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sean de Guzman

Sean de Guzman gradweyt na sa paghuhubad

MA at PA
ni Rommel Placente

GRADUATE na sa pagpapa-sexy si Sean de Guzman, pagkatapos niyang manalo ng dalawang Best Actor trophy sa ibang bansa, para sa pelikulang Fall Guy na pinagbidahan niya at nang tanghalin siyang New Movie Actor of the Year sa nagdaang PMPC 38th Star Awards For Movies.

Sabi ni Sean, “As of now po, may last project ako sa Vivamax, medyo graduate na ako sa pagpapa -sexy then tatawid na ako sa Viva One naman. Doon naman tayo sa mga wholesome na content na movies at series sa Viva One.”

Desisyon ba niya na hindi muna tatanggap ng sexy role?

Desisyon ng management at desisyon ko rin, kasi gusto ko ring matuto ng ibang genre. Gusto kong maiba naman. Ayaw kong ma-typecast na sexy actor lang. Kumbaga, ibi-break natin ang stigma na ganoon,” sagot niya.

Pero aniya pa, kung may offer na kinakailangan naman talaga sa eksena ang magpa-sexy, tatanggapin niya.

Paliwanag niya, “Kung may kabuluhan naman ‘yung pelikula at eksena, bakit naman hindi ko tatanggapin.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …