Sunday , December 22 2024
Bea Alonzo Dominic Roque

Bea dumating sa puntong ‘di na naniniwala sa kasal — kasi ilang beses na akong napaso…‘Yun pala may ibibigay talaga sa iyo si Lord 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Dominic gustong maka-8 anak kay Bea, namimili pa kung anong theme ng wedding; sinigurong imbitado si John Lloyd

MASAYA at iba ang glow ng Bea Alonzo na humarap sa amin sa paglulunsad sa kanya bilang celebrity ambassadress ng Philippine Statistics Authority para sa kanilang conduct of 2022 Census of Agriculture and Fisheries noong Martes ng hapon sa Cyberpod 5, EDSA Quezon City.

Kasabay ng pagkinang ng ganda ni Bea ang pagkislap ng nasa daliri nito, ang ibinigay na engagement ring ng kanyang fiance na si Dominic Roque na buong pusong iniladlad para mapiktyuran.

Ayon kay Bea, gusto muna nilang namnamin ni Dominic ang pagiging engage bilang marami nga ang nagtatanong kung ano na ang plano o kailan magaganap ang kanilang kasal.

Hindi rin itinanggi ni Bea na simula nang alukin siya ng kasal ni Dom ninanamnam niya pa rin hanggang ngayon ang sandaling iyon gayundin ang pagsusuot ng singsing.

Hindi pa rin ako makapaniwala at saka kinikilig ako kapag tinatawag ko siyang fiance,” tawang-tawang pagbabahagi ni Bea.

Sabi pa ni Bea, “Nag-uusap kami ni Dom, pinoproseso pa namin ang pakiramdam ng bagong engaged. Parang wala pa kasing dalawang linggo ang nakalipas.

“Alam naming hindi namin mababalikan ‘yung feeling na ganito. Ayaw muna naming ma-stress sa wedding planning. Wala pa kaming nakukuhang wedding planner din, as in wala pa talaga at all,” masayang tsika ni Bea na gandang-ganda kami noong oras na ‘yon dahil pati mata niya ay nakangiti.

Ang ginagawa lang namin ngayon ay to watch mga wedding video. Manood ng mga recent wedding na sunod-sunod and get inspired.

“Makakuha ng tips kung sakaling magpaplano na kami. Sa ngayon wala pa, gusto muna naming i-enjoy ‘yung pagiging engaged namin,” giit pa ng aktres.

At dahil may farm siya sa Zambales (dahilan kung bakit siya kinuhang ambassador ng PSA para sa Census Agriculture and Fisheries na magsisimula ngayong Setyembre) natanong ito kung posibleng doon gawin ang kanilang kasal ni Dominic.

Naku, si Mama magugustuhan ‘yan, pangarap niya talaga ‘yan. Hindi pa talaga namin napag-uusapan ‘yan.

“Ang hilig lang namin ay mag-browse ng mga photo, ng beach wedding, minsan cliff, minsan farm. Ngayon gusto lang naming kiligin na iisipin muna kung ano ang dapat,” sabi pa ni Bea.

But definitely, intimate wedding lang. Kasi alam n’yo kahit ano man ang gusto namin ay dapat may consideration dahil may mga kamag-anak kami at bisita. Marami kaming idea sa mind pero hirap mag-share baka kasi hindi matuloy,” sabi pa ng aktres.

Sinabi rin ni Bea na handang-handa na siya para maging Mrs. Dominic Roque. “Oo naman, hindi naman ako magye-yes kung hindi pero hindi pa namin alam talaga kung kailan (kasal).”

Ukol naman sa pagkakaroon ng baby, “Ang gusto talaga ni Dom walo pero sabi ko paano eh, 35 na ako. Ha-hahaha!”

Nasabi rin ni Bea na siguradong imbitado sa kasal nila ang kaibigan at ka-loveteam niya noon si John Lloyd Cruz, “Oo naman si John Lloyd, hindi naman mawawala siya sa guest lists. Sa totoo lang, isa siya sa unang nag-congratulate sa akin.

“Sinabi niya na masaya siya para sa akin. Siyempre, hindi siya mawawala dahil sabay kaming lumaki at nag-mature sa showbiz,” sambit pa ni Bea.

Natanong naman si Bea kung ano ang natutunan niya pagdating sa pagmamahal/pagibig? “Na darating ang taong para sa iyo. Na posibleng ‘yung mga nakaraan mo parang…sa akin personally akala ko hindi na darating sa akin ang pagkakataon na ikakasal ako. 

“There was a point in my life that I don’t believe in marriage anymore kasi ilang beses na akong napaso. ‘Yun pala may ibibigay talaga sa iyo si Lord na isang tao na magpaparamdam sa iyo na you are worthy and you are enough.”

Samantala, kasabay ng pagsasagawa ng census ngayong taon para mangolekta ng information sa mga household, operator at barangay na involved sa agriculture and fisheries, ipinakilala si Bea bilang bagong ambassador ng naturang sektor.

The 2022 Census of Agriculture and Fisheries (2022 CAF) of the PSA will help understand the challenges faced by fisheries and farming especially since the country experiences a lot of natural disasters such as typhoons, among others,” ani Deputy National Statistician Minerva Eloisa Esquivias.

Naatasan ang PSA na mangolekta ng data sa agrikultura at fishery sector sa bansa para matulungan ang mga opisyal na makagawa ng polisiya at desisyon na makapagpapaunlad ng sector nila nationwide.

Ang pagse-census ay magsisimula sa September 2023 na 20,000 census supervisors at enumerators ang magsasagawa nito. At ginagawa ang census tuwing ika-10 taon.

Data to be collected include inventory of agriculture and fishery resources, information on the kinds of crops planted and the area size of farms, kinds of animals or species in farms and aqua-farms, and more,” sabi pa ng ahensiya.

Paliwanag naman ni Esquivias sa pagkuha kay Bea bilang CAF official endorser, “We want to achieve ‘yung mileage, information, education campaign dito sa ating census.

“As you know, we are not really, when we go to each of the houses during census time, not all respondents are so welcoming. With Bea here, she will help us,” aniya pa.

Alam ko po ang mga challenge ng farming. Masamang panahon, bagyo po talaga, minsan bigla na lang may babagsak na mga puno, minsan po mataas ang presyo ng binhi. So ‘yun po ang challenges sa pagiging farmer,” sabi ni Bea na isang proud farm owner sa Iba at Botolan, Zambales. 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …