Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krystall B1B6, Krystall Herbal Oil

 ‘Naalimpungatan’ sa tawag,  kaliwang braso hirap ikilos

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Dear Sis Fely Guy Ong,

         May kasabihan: Magbiro ka na sa lasing, ‘wag lang sa bagong gising. 

         Ako po si Cesar Madlangsakay, 54 years old, isang kusinero sa barko, at naninirahan  sa Bacoor, Cavite.

         Personal ko pong naranasan ang kasabihang ito  at hanggang sa kasalukuyan ay hindi ko pa nalilimutan.

         Dito po nagsimula ang hindi ko maipaliwanag na sakit ng aking kaliwang braso, ang maliit na tatlong daliri, at ang kaliwang paa.

         Minsan kasi habang natutulog ako, biglang may tumawag sa akin. Ang pagkakarinig ko’y tinawag ang pangalan ko. Naalimpungatan ako pero hindi ko maaninag kung sino ang tumawag kaya muli akong natulog. Pero biglang may kumalabit sa akin at ako’y napatayo. Kasunod noon ay naramdaman ko na ang bigat ng aking braso at tila nahihiwalay yata ako sa paglalakad.

         Nagpa-check-up po ako sa neuro doctor kasi inisip ko baka na-stroke ako. Wala naman, okey naman.

         Hanggang maisipan niyang i-check ang aking mga lab test. Medyo napapailing ang doctor, mataas kasi ang uric acid kaya niresetahan ako ng pampababa ng uric acid.

         Kasunod nito ay nag-second opinion ako sa naturopathy. Napayapa naman po ako pero ang pananakit sa aking kaliwang braso ay hindi natatanggal kaya pinayohan akong gumamit ng Krystall Herbal Oil at mag-vitamins (multivitamins).  

         Aba, parang nagdahilan lang ang braso ko, at mula noon ay hindi na ako basta bumabangon dahil delikado pala.

         Maraming salamat po Sis Fely!

CESAR MADLANGSALAY

Bacoor, Cavite

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …

Christine Dayrit 60 Dream Holidays Around the World

Lipa City Top Global Destination sa 60 Dream Holidays Around the World ni Cristine Dayrit

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez LIPA, isang lungsod sa Batangas na paboritong local destination ng may …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

Araneta City

Christmas Happenings in Araneta City (Dec. 18 to 24, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

BingoPlus G2E Asia PH FEAT

BingoPlus furthers Responsible Gaming and Corporate Social Responsibility Campaign at G2E Asia PH

Erick Su, Head of ArenaPlus under DigiPlus Interactive Corp. at the G2E Asia PH 2025. …