Thursday , March 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ting Ledesma PTTF
NANALIG si Philippine Table Tennis Federation (PTTF) president Ting Ledesma sa kahandaan ng Pinoy table netters sa pagsabak sa dalawang major international tournaments sa kaniyang pagdalo sa lingguhang Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ nitong Huwebes sa Conference Room ng PSC sa Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Manila. (HENRY TALAN VARGAS)

PTTF president Ting Ledesma, tiwala sa kahandaan ng Pinoy table netters sa Int’l tour

KUMPIYANSA si Philippine Table Tennis Federation (PTTF) president Ting Ledesma  sa kahandaan ng Pinoy table netters sa pagsabak sa dalawang major international tournaments bunsod na rin ng impresibong kampanya ng Philippine Team sa nakalipas na torneo sa abroad.

Sasalang ang National Team, binubuo ng mga players na isinabak sa 31st Southeast Asian Games sa Cambodia nitong Mayo, sa prestihiyosong Asian Championship sa Setyembre 3-10 sa South Korea, habang nakatuon din paghahanda ng PTTF sa hosting ng World Junior Championship sa Oktubre sa Puerto Princesa, Palawan.

“We’re happy to say that table tennis is getting better and with the recent success of our national team for the past few months sa abroad, Malaki ang impact nito lalo na sa mga kabataan na patuloy na lumalaban para mapalakas ang table tennis,” pahayag ni Ledesma patungkol sa program ng PTTF sa kabilang ng kakulangan ng pondo at limitadong tulong pinansiyal mula sa pamahalaan.

“Nauunawaan naman namin ang Philippine Sports Commission (PSC) dahil hindi lang naman kami ang sports na sinusuportahanan nila. But we’re proud to say that through the years hindi kami dependent talaga sa PSC, reimbursement kami, abunuhan muna namin kung maibalik yung ginastos namin, salamat kung hindi talo-talo na yan,” aniya sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ nitong Huwebes sa Conference Room ng PSC sa Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Manila.

Binanggit din ni Ledesma sa program na itinataguyod ng PSC, Behrouz Persian Cuisine at Pocari Sweat na galing sa mga kaibigan, pribadong sector at sariling pera ang gagamitin ng Philippine Team sa pagsabak sa Asian Championship.

“Wala naman kaming problema sa PSC, pero para mas maging mabilis ang proseso sa participation namin, naghahanap na lang ako ng makakatulong. After that, re-reinbursed ko na lang yung gastos kompleto naman sa resibo, kung palarin maibalik laking pasasalamat kung hindi, oky na rin,” aniya. 

Pangungunahan ni  Kheith Rhynne Cruz, ang No.1 women player sa bansa, ang PH team sa Korea target na makasikwat ng medalya na magbibigay sa koponan nang panibagong sigla bago ang World Junior event sa Palawan.

Galing ang 16-anyos na si Cruz sa matagumpay na kampanya sa SEA Youth table tennis championship sa Brunei kung saan nagwagi siya ng dalawang ginto (singles at doubles event) at pangunahan ang girls team sa silver medal finish sa team event.

Sa tulong ni Puerto Princes, Palawan Mayor Lucilo Bayron, ibinida ni Ledesma ang kahandaan para World Junior championship na inaasahang lalahukan ng mahigit 30 koponan.

“Last year, yung nakababatang kapatid ni Keith na si Mhelvin ay nakasilver dito. Yung podium finish niya ang nagging daan para mabigyan siya ng scholarship training sa France. Itong magkapatid ang mangunguna sa team natin. Buong puso ang pasasalamat natin sa tulong ni Mayor Bayron para maisagawa ang hosting na ito,” ayon kay Ledesma.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

NCRAA Pato Gregorio Buddy Encarnado

DLSU-Dasmariñas, U-Luzon panalo sa pagbubukas ng NCRAA Season 32

DASMARIÑAS, CAVITE — MAGKASALO sa spotlight ang DLSU-Dasmariñas at University of Luzon matapos kapwa magwagi …

PSC BCDA John Hay Sports Center Baguio

PSC, BCDA nagtulungan upang gawing pangunahing sentro ng sports tourism ang John Hay sa Baguio

BAGUIO CITY — ISANG bagong yugto sa pag-unlad ng palakasan sa Pilipinas ang nagsimula sa …

Sam Kerr Football

Sa AFC Women’s Asian Cup
Matildas tinalo ang Filipinas sa goal ni Kerr

Burswood, Perth — ANG nagbabalik na star striker na si Sam Kerr ang umiskor ng …

Arbois Hallasgo Tokyo Marathon

Arbois, Hallasgo kumikig sa Tokyo Marathon; SEA Games record binura

MISTULANG patunay sa matikas na pagbabago ang pamosong Tokyo Marathon nang kapwa umukit ng gintong …

AFC Womens Asian Cup 2026

Filipinas vs. Australia: Pambungad na Laban sa AFC Women’s Asian Cup 2026

PERTH, Australia — NAKASANAYAN na ng Philippine national women’s football team ang maaraw, maaliwalas, at …