Sunday , December 22 2024
Yul Servo The Manila Film Festival 2023

Pagbubukas ng The Manila Film Festival kinuyog ng mga estudyante; Yul aarteng muli

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

DINAGSA ng publiko ang pag-uumpisa ng The Manila Film Festival 2023 noong Biyernes June 15, sa SM City Manila. Kaya naman tuwang-tuwa si Manila Vice Mayor Yul Servo dahil matagumpay ang isinagawa nilang TMFF.

Bale ngayon lang uli nakapagdaos ng Manila Filmfest simula nang matigil ito noong panahon ni dating Manila Mayor Alfred Lim at inumpisahan naman ito ni dating Manila Mayor Antonio Villegas noong dekada 60.

Ang opening at premiere night ng mga kalahok sa TMFF 2023 ay dinaluhan nina Manila Mayor Honey Lacuna at VM Yul at bahagi rin ng selebrasyon ng Araw ng Maynila.  

Sa nilagdaang Memorandum of Agreement noong Pebrero, ipinahayag ni Mayor Lacuna kung gaano siya kasaya na maibalik ang magic ng film industry sa tulong ni VM Yul.

Layunin ng TMFF  na i-promote ang mga lokal na pelikula, na uusbong ang bagong henerasyon ng mga mahuhusay at kabataang filmmakers, na dapat nating suportahan. Ang film producer na si Edith Fider ang isa sa mga personalidad na nasa likod ng pagbabalik ng The Manila Film Festival na aktibong tumutulong na muling mapasigla ang film industry.

Limang pelikula na binuo  ng mga estudyante mula sa iba’t ibang unibersidad ang ipinalalabas ngayon sa SM City Manila at iba pang mga sinehan sa Maynila ang mapapanood hanggang sa June 24. 

Ang limang kalahok ay ang psychological horror na The Uncanny na idinirehe ni Kyle Abay-Abay, mula sa Colegio de San Juan de Letran na nagtatampok kina Zyrish Quierrez, Ice Lee Genre; ang crime-thriller Unspoken na isinulat at idinirehe ni Daniella Javierto ng  Arellano University, Pasig at pinagbibidahan nina Lara Lagdaan, David King Escio, Stephen Legaspi, at Irish Vistan; Kasali rin ang comedy na The Adventures of Kween Jhonabelle, na isinulat at idinirehe ni Carlo James Buan ng Colegio de San Juan de Letran tampok sinaLarizze Ann J. Eco, Kian Co, Samantha Faith Valdez Batula, at Stephanie Kayla L. Quitlong; love story at advocacy namana ang Thanks for the Broken Heart, ni Cess Cruz ng University of The Philippines at University of Makati, tampok sina Lance Raymundo, Gerlaine Silva, Mary Sharapova, at Oliver Lacson; psychological thriller na CTRL-F-ESC ni Justin Bobier ng Adamson University, tampok sina Kych Minemoto, Sue Prado, Leilani Kate Yalung, Yul Servo, Francheska Manalastas, Rina Napura, at James Guanlao.

May 300 entries ang pinagpiliian ng mga election committee ng TMFF at 20 pelikula ang nakuha rito at pagkaraan ay pumili lamang ng five top entries na binigyan ng grant na P300,000 hanggang sa maximum na P500,000.

Bilang selebrasyon ng ika-452 Araw ng Maynila, iisa lamang po ang nais nating ipagmalaki, ang galing at talento ng mga batang Maynila sa larangan ng sining at akademya,” ani Vice Mayor Yul .

Bukod sa pagiging abala sa TMFF, naikuwento ni VM Yul na may guest appearance siya sa entry na CTRL-F-ESC. Bale ito angpagbabalik ni Yul sa pag-arte makalipas ang mahabang panahon.

Inamin ni Yul na medyo nailang at nangapa siya sa muling pagharap kamera. “First time ko ulit umarte ngayon.  Matagal nang panahon na umarte ako sa harapan ng kamera. Kaya nga ilang na ilang ako habang umaarte.

“Kahit na sabihing award-winning ka, para kang lapis na pumupurol, kaya kailangan mong tasahan kapag gagamitin mo na. Kaya rito, nabigla ako, buti na lang magaling naman ‘yun direktor at production, kahit mga bata sila. Sabi ko nga sa kanila, ‘pag ‘di nila type, ok lang na ulitin natin.

“Mukhang okay naman sa kanila.  Mabilisang trabaho lang kasi ito, pero nalampasan ko, kaya nakatutuwa.”

Naibahagi pa ni Yul na may offer ang prodyuser na si Edith sa kanya. May alok din sa kanya na isang pelikula na makakasama niyang muli ang National Artist na si Nora Aunor

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …