Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong
Dear Sis Dely Guy Ong,
Ako po si Edward Domingo, 52 years old, taga-Pandi, Bulacan, kasalukuyang nagtatrabaho bilang mekaniko sa isang malaking talyer sa Metro Manila.
Nitong nakaraang buwan, ako po ay nadale ng heat stroke. Habang gumagawa sa ilalim ng isang sasakyan, bigla akong nakaramdam ng labis na init at pagkahilo, at bago pa manikip ang aking dibdib ay nakasigaw ako at nakahingi ng tulong kaya
mabilis akong naalalayan ng aking mga kasama sa trabaho.
Gusto nila akong ipasok agad sa malamig na opisina pero sinenyasan ko sila na huwag, nagpakuha lang ako ng electric fan para magkaroon ng sirkulasyon ng hangin.
Nagpakuha rin ako ng tubig na may suka at iyon ang ipinapunas ko mula ulo hanggang sa iba’t ibang bahagi ng aking katawan, pagkatapos ay inilabas ko sa aking bag ang Krystall Herbal Oil at ipinahaplos ko sa aking batok, sa sentido, sa likod, sa mga braso, at binti, pati sa aking tiyan.
After almost one hour nagpakuha ako ng blood pressure at iyon nga po, naging normal na, bagamat nakaramdam pa rin ng pagkaliyo.
Mula roon ay nagpapasok na ako sa aming (malamig) na opisina para hintayin si misis saka nagpadala sa isang malapit na polyclinic.
Bagamat normal na ang aking BP, pinayohan akong magpa-lab test including Xray, ECG, and CT Scan para daw po segurado.
Nakapagpagawa na po ako ng lab test at Xray, ‘yung CT Scan na lang po ang hinihintay.
Hanggang ngayon po, nagpapasalamat ako’t napakinggan ko sa radio program ninyo na naka-livestream sa social media at nabasa ko po sa HATAW ang turo at payo ninyo kapag may nabibiktima ng heat stroke.
Alam ko pong kapag nadale nito, tiyak na ang isang paa ay nakaumang na sa hukay.
Muli po ang aking pasasalamat sa inyong imbensiyon na Krystall Herbal Oil at sa inyong mga payo at turo tungkol sa kalusugan.
Lubos na sumasainyo,
EDWARD DOMINGO
Pandi, Bulacan
P A A L A L A
Para po sa lahat na tumatangkilik ng produktong Krystall at sa mga nais matuto at dagdag kaalaman ng ating gamotan (natural healing) ang FGO Foundation po ay magkakaroon ng libreng seminar sa May 18, 2023 araw ng Huwebes (Thursday), gaganapin sa 727 Roxas Blvd., corner Airport Road, Baclaran, Parañaque City mula ala-1:00 ng hapon hanggang alas-5:00 ng hapon.
Sa mga nais magpalista o may mga katanungan tumawag lamang sa ating mga telepono #8852-0919 / 8853-0917 o magtxt sa CP#0915-297-2308.
Maraming salamat and God bless.