Monday , December 23 2024
Aiko Melendez Andre Yllana

Andre proud mama’s boy

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

KUNG ang ibang lalaki’y nahihiya na amining mama’s boy sila, proud na proud naman ang binata ni Aiko Melendez na aminin at ipagmalaki na mama’s boy siya. Hindi rin daw niya ito ikinahihiya.

Sa pakikitsika namin kay Andre pagkatapos ng mediacon ng Viva One series na Rain In Espana, tuwang-tuwa pang ipinagmalaki ni Andre ang pagiging mama’s boy.

Aniya, walang problema sa kanya kung tawagin siyang mama’s boy dahil totoo naman iyon. 

Ipinagmalaki rin ng binata ni Jomari Yllana, na hindi siya naglilihim kay Aiko.

I’m an obedient son. Lahat ng kalokohan ko, alam niya. Super close kasi kami ni Mommy. Mahal ako ng Mama ko.

And I don’t mind if others call her a stage mom. She consistently checks on me and my activities, even my showbiz commitments, wherever she is,” sabi pa ni Andre na isa sa mga bida sa digital romcom series.

Masaya rin si Andrei na okay na okay na ang relasyon niya sa amang si Jomari “Masaya ako kay Mommy, but when I see Daddy, it’s a different kind of happiness I get. Recently, I get more advice from Daddy when it comes to my love life.”

Sinabi pa ni Andrei na okey na okey ang relasyon nila ngayon ni Jomari.

The things we failed to do before, we are doing them now. Last April, I had the chance to sleep again in Daddy’s house in Parañaque,” pagbabahagi ni Andrei.

The last thing he told me, ‘Hindi naman lahat nabibigyan ng opportunity. Sige, riyan ka talaga sa showbiz. ‘Yan ang nakikita kong path mo.’

“Sinunod ko lang ang advice ng Daddy Danny ko. Nakinig ako sa sinabi niya. He was mama’s stepdad. I grew up with him. I was very close to him,” sabi pa ni Andrei.

Nang matanong naman ang binata ukol sa kanyang lovelife, hindi naman nito ipinagkait na ibahagi na mayroon siyang non-showbiz girlfriend na nakilala niya ito sa pamamagitan ng kanyang daddy Jom at ng partner nitong si Abby Viduya. Three months pa lang silang magkarelasyon.

Pinana ako ni kupido. Binugaw ako ni dad at Tita Abby. First to chat with her until we were able to meet each other. When we went out on a date, I brought her home early.

“When I still didn’t have a girlfriend, my mom always reminded me to finish my studies first before having a girlfriend.

“I really didn’t expect to have a girlfriend at this point. Now, my mom always reminded me not to have kids first. Ang sabi niya, huwag daw muna siyang bibigyan ng apo. My dad naman reminds me to enjoy my youth,” aniya pa.

Istrikto naman si Aiko sa kanya. At hindi pa rin siya pinapayagan nitong mag-sleep over sa bahay ng kanyang mga kaibigan.

Baka raw kung saan ako matulog. But I respect that. Compared to other parents, lenient na si Mommy sa akin. I’ve seen other moms did worse,” anang aktor.

Mapapanood si Andre sa 10-part  romantic-comedy series na The Rain in España, na biggest project niya sa Viva Entertainment.

Pinagbibidahan ito nina Heaven Peralejo, Marco Gallo, Bea Binene at marami pang iba na idinirehe ni Theodore Boborol

Mapapanood na ito sa streaming platform na Viva One simula sa May 1.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …