Sunday , December 22 2024
About Us But Not About Us SMMFF

About Us But Not About  Us big winner sa Summer MMFF

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

SAMPUNG tropeo ang naiuwi ng pelikulang About Us But Not About Us na pinagbibidahan nina Elijah Canlas at Romnick Sarmenta sa katatapos na Gabi ng Parangal ng Summer Metro Manila Film Festival noong Martes ng gabi na isinagawa sa New Frontier, Cubao, QC.

Nakuha ng pelikulang idinirehe ni Jun Lana at handog ng The Idea First Company, Octoberian Films, at Quantum Film ang Best Picture, Best Director, Best Lead Actor, Best Screenplay.

Itinanghal namang Best Actress si Gladys Reyes sa epektibong pagganap niya sa pelikulang Apag at si Romnick Sarmenta ang Best Actor para sa pelikulang About Us But Not About Us.

Si Keempee de Leon ang nagwagi bilang Best Supporting Actor mula sa pelikulang Here Comes The Groom ng  Quantum Films, Cineko Productions, at Brightlight Productions habang si Jervi Lee o mas kilala bilang si KaladKaren ang kauna-unahang transgender na na-nominate at nanalo bilang Best Supporting Actress mula rin sa pelikulang Here Comes The Groom.

Pinarangalan din ng Special Jury Prize ng Summer MMFF ang aktor na si Elijah Canlas sa kanyang pagganap sa About Us But Not About Us gayundin ang produksiyon ng Here Comes The Groom.

Wagi rin ng Best Cinematography, Best Production Design, Best Editing, Best Musical Score, at Best Sound ang About Us But Not About Us.

Ang mga nanalo ay pinili ng board of jurors na pinangunahan ng Golden Globe nominee at isa sa cast ng award-winning movie na Triangle of Sadness na si Dolly de Leon kasama ang iba pang jurors na sina direk Joey Javier Reyes, Toff de Venecia, Mario Bautista, Rolanto Tolentino, Che-Che Ona, Tim Orbos at iba pa.

Narito ang buong listahan ng mga nanalo sa first Summer Metro Manila Film Festival 2023.

Best Picture: About Us But Not About Us

Second Best Picture: Love You Long Time

Third Best Picture: Here Comes the Groom

Best Director: Jun Robles Lana (About Us But Not About Us)

Best Actor in a Leading Role: Romnick Sarmenta (About Us But Not About Us)

Best Actor in a Supporting Role: Keempee de Leon (Here Comes the Groom)

Best Actress in a Leading Role: Gladys Reyes (Apag)

Best Actress in a Supporting Role: Kaladkaren / Jervi Li (Here Comes The Groom)

Best Screenplay: Jun Robles Lana (About Us But Not About Us)

Best Cinematography: Neil Daza (About Us But Not About Us)

Best Editing: Lawrence Ang (About Us But Not About Us)

Best Sound: Armand de Guzman (About Us But Not About Us)

Best Musical Score: Teresa Barrozo (About Us But Not About Us)

Best Original Theme Song: Paralaya by Andy Alviz (Apag)

Best Production Design: Marxie Maolen Fadul (About Us But Not About Us)

Special Jury Prize: Here Comes the Groom at Elijah Canlas

Mapapanood pa rin ang walong entries ng Summer MMFF sa mga sinehan hanggang April 18.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …