Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nanay na PWD “best friend” ng KRYSTALL HERBAL OIL

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Dear Sis Fely Guy Ong,

               “At the end of the day, we can endure much more than we think we can.” – Frida Kahlo

               Good morning Sis Fely, gusto ko lang pong i-share sa malawak ninyong programa at kolum ang sinabing ito ng artist na si Frida Kahlo bilang inspirasyon ko sa buhay.

               Isa po akong person with disability (PWD),  45 years old, Renata Jalandon, naninirahan ngayon sa Quezon City.

               Five years ago, naaksidente po ang sinasakyan kong bus at isa ako sa grabeng napinsala, nadurog po ang buto sa kaliwang binti ko. Kaya ngayon po, kung hindi ako nakasaklay ay nakasakay sa aking wheelchair.

               Mayroon po akong tatlong anak, isa ang nagtatrabaho na sa business processing outsourcing (BPO) industry, habang ang dalawa ay nag-aaral pa. Mayroon po akong maliit na selling business online.

Sa kabila po ng aking kalagayan, lagi kong inilalagay sa aking isipan na kung ano ang kayang gawin ng taong walang kapansanan ay kaya ko rin gawin.

Normal naman po akong nakakikilos, nakagagawa ng mga gawaing bahay, naaalalayan ang aking anak na nagtatrabaho ganoon din ang mga nag-aaral pa.

Pero siyempre, gaya ng isang taong walang kapansanan, ramdam ko rin ang pagod sa maghapon, lalo sa aking mga braso, dahil nandito na halos ang puwersa ko pati sa pag-usa-usad at pag-ikot-ikot ng aking wheelchair. Sa umaga sinisikap kong makapagsaklay at makatayo kahit paano, para naman ma-exercise ang aking kanang paa.

Sa lahat po ng ginagawa ko sa buong araw, mayroon po akong “kasama” ang aking “best friend” na hindi ko talaga maihihiwalay sa aking buhay — ang KRYSTALL HERBAL OIL.

Pagkatapos po ng maghapong gawa sa bahay at pag-aasikaso sa aking online selling, bago matulog sa gabi ay naghahaplos ako ng Krystall Herbal Oil sa aking mga binti ganoon din sa aking mga braso at kamay. Nagpapahaplos din ako sa aking likuran. Kaya paglapat ng aking katawan sa higaan, hay, napakaginhawa ng aking pakiramdam. Agad po, nakatutulog at mahimbing ang aking pagtulog, dahil kapag nakahiga na ako, hinahaplos ko naman ng Krystall Herbal Oil ang aking sentido. Kaya relax na ang buong katawan, relax pa ang isipan.

               Kaya ako po’y lubos na nagpapasalamat sa inyong imbensiyon Sis Fely, dahil napakalaking bagay nito sa aking kalusugan at kapanatagan sa buhay.

               Siyanga po pala, ako’y tagasubaybay rin ng inyong  livestream na Kalusugan Mula sa Kalikasan sa DWXI 1314 Am.

               Muli maraming salamat po Sis Fely. God Bless you always.

RENATA JALANDON

Quezon City

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …

DOST Ilocos Regions Young Achievers Shine at the 2025 YES Awards

Ilocos Region’s Young Achievers Shine at the 2025 YES Awards

168 young Filipino achievers from the Ilocos Region took center stage at the Youth Excellence …