Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jose Hidalgo Marlon Serna

RD Hidalgo binisita ang burol ng napaslang na hepe ng San Miguel MPS;
Reward para sa mga killers umabot na sa P1.7-M

Nagbigay ng kanyang huling paggalang si Police Regional Office 3 Director PBGeneral Jose S. Hidalgo Jr. kay San Miguel Chief of Police PLt. Colonel Marlon Serna na nasawi habang gumaganap sa oras ng tungkulin nitong Sabado ng gabi, Marso 25.

Iginawad ni PBGeneral Hidalgo Jr ang “Medalya ng Kadakilaan” (Medal of Valor) kay PLt.Colonel Serna at pinagkalooban ng pinansiyal na tulong na tinanggap ng kanyang asawa sa burol nito sa Sta Rosa, Nueva Ecija.

Samantala, ang pabuya para sa mga pumatay kay PLt.Colonel Serna ay umabot na sa PhP 1.7M matapos na magdagdag pa ng Php 500,000.00 si San Miguel Mayor Roderick Tiongson.

Ayon pa kay PBGeneral Hidalgo Jr na ang “SITG SERNA” ay ginawang aktibo na pinamunuan ni Provincial Director of Bulacan, PColonel Relly Arnedo upang mabilis na malutas ang kaso. (Micka Bautista).

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …