Monday , December 23 2024
Bulacan Police PNP

Kampanya kontra krimen sa Bulacan
11 tulak, 2 wanted, 2 sugarol timbog

SUNOD-SUNOD na pinagdadampot ang 11 hinihinalang drug dealer, siyam na pinaghahanap ng batas, at dalawang sugarol sa pinag-ibayo pang kampanya ng pulisya laban sa kriminalidad sa lalawigan ng Bulacan, nitong Miyerkoles, 15 Marso.

Batay sa ulat na ipinadala kay P/Col. Relly Arnedo, Provincial Director ng Bulacan PPO, inaresto ang 11 drug suspects sa serye ng anti-drug busts na ikinasa ng mga Station Drug Enforcement Units (SDEUs) ng Bulacan police.

Nasamsam mula sa suspek ang 21 pakete ng hinihinalang shabu at tatlong pakete ng tuyong dahon ng marijuana na tinatayang nagkakahalaga ng P46,160; drug paraphernalia; at buybust money.

Dinakip ang mga nasabing suspek sa serye ng drug sting operations ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Meycauayan, Sta. Maria, Plaridel, Bustos, at Bocaue C/MPS.

Kasunod nito, natunton at nasakote sa serye ng pursuit operations ng 1st PMFC, Sta. Maria, Malolos, San Jose Del Monte CIDG Bulacan, Paombong, at Bocaue C/PS ang siyam na wanted na indibidwal.

Dinakip ang mga suspek sa mga kasong qualified theft, estafa, paglabag sa RA 7610, slight physical injuries, lascivious conduct.

Kasalukuyang nasa ilalim ng kustodiya ng kani-kanilang arresting unit/station ang mga akusado para sa angkop na disposisyon.

Samantala, sa inilatag na anti-illegal gambling operation ng mga tauhan ng  Plaridel MPS, nadakip ang dalawang indibidwal na naaktohan sa pagsusugal ng cara y cruz.

Narekober mula sa mga suspek bilang ebidensiya ang tatlong barya na ginagamit na pangkara at perang taya sa iba’t ibang denominasyon.

Nasa custodial facility ng pulisya ang mga naaresto na nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso sa hukuman. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …