Saturday , November 23 2024
phone text cp

Concert pinasok ng 6 dorobo
31 PARTY-GOERS SINIKWATAN NG CELLPHONE

SUNOD-SUNOD na inaresto ng mga awtoridad ang anim na indibidwal kaugnay ng insidente ng pagnanakaw sa 31 kabataan na dumalo sa concert sa loob ng isang paaralan sa bayan ng San Miguel, sa lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo ng gabi, 12 Marso.

Sa ulat na ipinadala ni P/Lt. Col. Romualdo Andres, hepe ng San Miguel MPS, kay P/Col. Relly Arnedo, Provincial Director ng Bulacan PPO, unang nadakip ang suspek na kinilalang si John Michael Geralin, isa sa itinuturong sangkot sa nakawan ng mga cellphone sa ginanap na music concert sa San Miguel National High School sa Brgy. San Juan, sa nabanggit na bayan.

Matapos mabigong marekober ng mga awtoridad ang mga ninakaw na cellphone kay John Michael, nagsagawa sila ng follow-up operation na nagresulta sa pagkakadakip ng lima pang suspek na kinilalang sina Jeremy Garcia, Jayson Sapugay, Norisha Ringuit, Christian Godoy, at Ronald Madulid.

Nasamsam ng mga tauhan ng San Miguel MPS mula sa mga suspek ang 14 iba’t ibang cellphone at Mitsubishi Adventure, may plakang NCJ 6053 na ginamit bilang getaway vehicle.

Positibong kinilala ang mga suspek ng ibang biktima na silang nag-ulat ng insidente sa himpilan ng pulisya, samantala, ang dalawa pang suspek na kinilalang sina Jomar Losano at Christian Zuñiga ay kasalukuyan pang pinaghahanap.

Nabatid, na habang idinaraos ang jampacked music concert sa loob ng nabanggit na paaralan, may nagsisigawan, naglulundugan at nagsasaya sa musika ng isang banda ay mayroon mga hinimatay at nawalan ng malay tao.

Sinabing dito sinamantala ng mga suspek ang pagkakataon na sikwatin ang mga cellphone ng mga biktima saka tumakas sakay ng dala nilang getaway vehicle. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …