Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vilma Santos Angkas Christopher de Leon

Ate Vi ‘aangkas’ na kay Boyet, excited sa muling pagsasama

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

INAMIN ni Ms Vilma Santos na excited siya sa pagbabalik-pelikula. Tatlong pelikula ang gagawin  niya this year. Una na ang pagsasamahan nila ni Christopher de Leon, sunod ang ididirehe ni Erik Matti at iyong ipo-prodyus ng Star Cinema.

Humarap si Ate Vi kahapon sa entertainment press nang ilunsad siya bilang endorser ng Angkas na naglalayong mabigyan ang maraming individwal ng trabaho at mapaunlad ang motorcycle taxi industry sa ating bansa.

I’ll be doing a movie with Boyet, Christopher de Leon. We will shoot in Japan. We’re leaving anytime March,”masayang pagbabahagi ni Ate Vi.

And then, I’m excited also to do a movie with Erik Matti. Kasi tapos na ‘yung script.

“So we will try finalize the script ng movie ko naman with Erik Matti on March 13.

“So, far ito ‘yung mga nakalinya. And then, looking forward din ako ng isang movie with Star Cinema.”

May working title na I’m So In Love With You o True Love in Kyoto ang pelikulang pagsasamahan nina Ms Vilma at Boyet.

Samantala, natutuwa rin ang Star for All Seasons sa bagong project niyang ito sa Angkas.

Aniya bilang dating public servant looking forward siya sa project na ito na makatutulong itaas at suportahan ang motorcycle taxi industry ng bansa.

Maganda ang project na ito kasi gusto ko talagang suportahan ang mga organisasyon na nagbibigay ng oportunidad sa marami. They are helping our commuters beat traffic. Mabilis na, safe pa, ‘di ba? Pero higit sa lahat, gusto ko ‘yung nakatutulong silang magbigay ng libo-libong trabaho sa ating mga kababayan. Grabe, 30,000 na motorcycles na pala ang nabigyan ng trabaho”, ani Ate Vi sa isinagawang media conference sa Makati.

​Hindi naman ito ang unang pagkakataon na tumutulong makahanap at makapagbigay ng trabaho  si Ate Vi. Noong 18th Congress na nanunungkulan pa siya bilang Representative ng 6th District ng Batangas, siya ang namumuno sa Committees on Poverty Alleviation and Labor and Employment na tinututukan nila ang unemployment at poverty.

​iginiit din ni Ate Vi na nakatutulong din ang Angkas para mabilis makauwi ang mga indibidwal na galing sa trabaho para makasama agad ang kani-kanilang pamilya at makatitipid sa  pamasahe dahil mas mura ang mga motorcycle taxi kaysa mga four wheels. “Masaya talaga ako sa project na ito. Alam kong malaki ang maitutulong nito para iangat ang sektor ng motorcycle taxis sa ating bansa”, sambit pa ni Ate Vi.

Nang matanong din si Ate Vi kung magiging kapartner din ang Angkas sa gagawin niyang pelikula, sinabi nitong, “Kailangan niyo po abangan. Ang masasabi ko lang po sa ngayon, marami po ang matutuwa at matutulungan ng bagong project na ito.”

Malaki naman ang pasasalamat ni Mr. George Royeca, Angkas Co-Founder at CEO kay Ate Vi dahil sa patuloy na pagsuporta nito para makabuo ng trabaho at pagkakakitaan. “It is amazing that Ms. Vilma Santos-Recto and Angkas share the same beliefs and hopes for our country in terms of providing jobs for Filipinos and alleviating poverty. Kaabang-abang po talaga ang project na ito dahil sigurado akong kapag nakita ninyo, mas lalo pa ninyong mamahalin ang ating nag-iisang Star for All Seasons,” ani Royeca.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …