Bilangpagpapasalamat sa kanyang paparating na kaarawan, maghahandog si Cong. Salvador “Ka Ador” Pleyto ng isang malawakang job fair para sa mga mamamayan ng Ikaanim na Distrito ng Bulacan, kabilang ang mga bayan ng Angat, Norzagaray at Sta. Maria.
Gaganapin ang Job Fair 2023 sa darating na 18 Marso, Sabado, mula 8:00 am hanggang 3:00 pm sa Congressional District Office sa Dulong Bayan, Brgy. Poblacion, Sta. Maria, Bulacan.
Gaganapin ang job fair sa pakikipagtulungan ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa pamumuno ni Secretary Bienvenido Laguesma at mga Public Employment Service Office (PESO) ng tatlong bayan.
Muling maglalathala sa mga online sites ang tanggapan ng kinatawan para sa dadalhing requirements at upang malaman kung ano-anong negosyo, kompanya at establisimiyento ang lalahok sa job fair. (MICKA BAUTISTA)