Monday , December 23 2024
Vice Ganda Cory Vidanes Laurenti Dyogi

Vice Ganda sa ABS-CBN pa rin — Nakapirma na talaga ‘yung puso ko rito

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI matitinag ang pagmamahal at pagtitiwala ni Vice Ganda sa ABS-CBN dahil noong Miyerkoles ng gabi, muli siyang pumirma ng kontrata sa kompanyang tinawag niyang tahanan sa The Unkabogable Day.  

Bukod sa contract signing, nagpasalamat si Vice sa Madlang Pipol para sa tagumpay ng kanyang pelikulang Partners In Crime. Nagsilbi itong comeback niya sa Metro Manila Film Festival (MMFF) noong nakaraang taon.

Sa kanyang contract signing, binalikan ni Vice ang dekadang karera sa industriya. “The journey has been quite long na rin. There were difficult times, but there were a lot of fun times. It was colorful pero kung susumahin mo, it’s a winning journey,” aniya.

Ilang Kapamilya artists, katrabaho, kaibigan, at mahal sa buhay ang nagbigay ng kanilang taos-pusong pagpupugay para sa Unkabogable Star.

“Thank you for your Unkabogable loyalty and love for ABS-CBN and for all of us. With or without a contract, you stood by us even in our most difficult times. Binigyan mo ng lakas ang lahat ng ating mga Kapamilya sa gitna ng lahat ng ating pagsubok,” sabi ni ABS-CBN COO of broadcast Cory Vidanes.

Nagpasalamat rin si Vice sa mga ABS-CBN executive. “Maraming-maraming salamat po sa patuloy na pagtitiwala, pagbibigay ng trabaho, oportunidad, pagkakataon… I am so grateful,” sambit niya.

Nagpahayag din siya ng katapatan sa ABS-CBN. “Nakapirma na talaga ‘yung puso ko rito. ‘Yung paa ko nakabaon na rito sa bahay na ‘to. Ayoko na lumabas… I’d rather be here inside my home. Ito ang pinakaligtas na lugar para sa akin,” pagbabahagi ni Vice.

Kabilang sa mga executive ng ABS-CBN na dumalo ay sina chairman Mark Lopez, ABS-CBN COO of Broadcast Cory Vidanes, ABS-CBN Group CFO Rick Tan, Star Magic and Entertainment Production head Laurenti Dyogi, at ABS-CBN head of Non-scripted Format na si Louie Andrada.

Sumikat si Vice Ganda sa noontime variety show na It’s Showtime at nakagawa ng maraming box office hits. Nakatanggap na rin si Vice ng iba’t ibang parangal bilang Kapamilya star. Noong 2021, pinangalanan siya bilang Best Entertainment Program Host sa Asian Academy Creative Awards at Most Trusted Entertainment/Variety Presenter sa Reader’s Digest Trusted Brands Awards.

Kamakailan, nanalo si Vice bilang Most Outstanding Twitter Influencer, Most Outstanding Social Media Personality, Most Influential Multimedia Filipino Celebrity, at Most Outstanding Entertainment Show Host sa 5th Gawad Lasallianeta. Nanalo rin si Vice bilang Best Variety Show Host sa 2023 Platinum Stallion National Media Awards ng Trinity University of Asia.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …