Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong
Dear Sis Fely Guy Ong,
Halos isang buwan na po akong pinahihirapan ng ‘arthritis’ ko, at tuwing umaga ay hirap na hirap akong ibukas ang aking mga kamay at grabe ang kirot kapag iniaapak ko ang aking kanang paa.
Mabuti na lamang at nai-introduce sa akin ng aking anak na babae ang KRYSTALL Herbal Oil at ang Krystall Vit B1B6.
Ako nga po pala si Ernesto Maglaqui, 63 years old, nakatira sa Bukid Area, North Caloocan City. Isa po akong latero na napakinabangan ko sa pagiging kaminero, naging overseas Filipino worker (OFW), at ngayon ay isang plantito.
Nito pong katindihan ng pandemya, isa po ako sa mga nahumaling sa pagtatanim ng mga halaman at edible plants — pantulong din po sa pang-araw-araw na ulam gaya ng kamoteng baging, kangkong, sayote, malunggay, talong, kamatis, sili, ampalaya, petsay at iba pa.
Tuwang-tuwa si misis kasi malaking tulong daw sa aming pangangailangan lalo na’t hindi pirmis ang kita ng aming mga anak na apektado ng pandemya.
Sa kabila ng araw-araw na ako’y naarawan at naeehersisyo sa paglalakad at pagdidilig, nagtaka ako kung bakit sumasakit ang aking mga kamay lalo sa paggising sa umaga. Ganoon din nga ang aking paa.
Sabi ng anak kong babae, “tatay, hangga’t hindi tayo nakapupunta sa doctor, subukan mong maghaplas ng Krystall Herbal Oil sa iyong mga kamay, mga daliri, at mga paa, mula binti hanggang daliri.
“Mag-take ka rin ng Krystall Vit B1B6 araw-araw after lunch, baka makatulong diyan sa mga nerves mo.”
Dahil talagang masakit, kaya sinunod ko ang payo ng aking anak. Lagi kong nakikita ang Krystall Herbal Oil sa aming dresser pero hindi ko pinapansin.
Sa unang araw na ginamit ko ang Krystall Herbal Oil, umasa ako na maiibsan nga ang mga nararamdaman ko, pero sinabi ko rin sa sarili ko na kung walang mangyayari, try lang kahit sa loob ng dalawang linggo o isang buwan.
Wala akong kakaibang naramdaman paggising ko kinaumagahan. May pain pa rin sa pagbubukas ng kamay pero hindi gaya dati na parang ang bigat-bigat.
Iniapak ko ang aking kanang paa, ganoon pa rin. Pero parang gumaan nang kaunti. Sabi ko sa sarili ko, mahirap umasa, pero try lang.
After five days, nagising ako na parang normal lang, deretso sa kusina, kape, breakfast, tapos deretso sa garden. Mga 30 minutes na yata akong nagga-garden nang bigla kong maalala na paggising ko wala akong naramdamang sakit sa pagbubukas ng mga palad ko, ganoon din nang tumayo at maglakad ako, nawala ang pain sa kanang paa ko.
“Wow!” Sabi ko, “Ano ito, miracle?” Dali-dali akong pumasok sa loob ng bahay at sinabi ko sa anak ko at kay misis ang aking obserbasyon.
Sagot ng anak kong babae, “Yes ‘tay, it’s a miracle, dahil ang tawag sa Krystall Herbal Oil ay ‘miracle oil’.”
At iyon po ang patotoo ko Sis Fely. Ako’y isa sa mga pinagpala dahil nakilala ko ang inyong imbensiyon na malaking tulong sa aking kalusugan.
Nawa’y patuloy kayong pagpalain at biyayaan ng kalakasan at kagalingan ni Yahweh El Shaddai.
Thank you so much po.
ERNESTO MAGLAQUI
North Caloocan City