NAGTANGKANG magpatiwakal ang 32-anyos na ginang sa pamamagitan nang pagtalon sa isang footbridge dahil umano sa takot nitong malaman ng kanyang asawa na nabiktima siya ng scam kamakalawa sa Paranaque City.
Nasa Taguig-Pateros District Hospital ang biktimang si Emilyn Andaya, ng 49 Paraiso Street, Barangay Upper Bicutan, Taguig City, nagkaroon ng fracture ang dalawang braso nito, kaliwang hita at tuhod.
Sa imbestigasyon ng Paranaque City Police, nakatanggap umano ng text message mula sa cellphone number 09664778848, na nanalo siya ng halagang P20,000.00.
Natuwa naman si Andaya at ayon sa nag-text sa kanya bago nya matanggap ang perang napanalunan kailangang nya munang magpadala ng P2,000 sa pamamagitan ng G-cash.
Agad namang nagbigay ito ng halagang P2,000 pero makalipas ang ilang oras ay hindi niya natanggap ang sinasabing napanalunang cash na P20,000.00.
Tinawagan nito ang cellphone number na nagtext sa kanya at sinabihan si Andaya na ipadala nito ang kanyang facebook account at batay naman sa scammer gamit ang facebook account name ng isang Nelson Revillame.
Ibabalik lamang ang halagang P2,000.00 na kinuha sa kanya kung magpapadala ito ng hubad niyang litrato.
Sa takot ng ginang na malaman ng kanyang mister ang sinapit niya, ala-1:30 ng hapon nang magtungo ito sa Bicutan Footbridge sa San Martin De Porres, Paranaque City at saka ito tumalon.
Kaagad namang dumating ang rescue team at isinugod sa nabanggit na ospital ang ginang. Sa ngayon ay iniimbestigahan ang nangyaring insdente at patuloy na hinahanting ang suspek ng mga awtoridad. (GINA GARCIA)