I-FLEX
ni Jun Nardo
SA gabi pala madalas maligo ang isang character actress. Nalaman ang ugaling ito ng aktres kapag may out of town taping o shooting.
Katwiran daw ng aktres, para pagpunta sa set, make up na lang siya’t ensayo ng linya.
Eh sa isang venue ng shooting, nakasama niya ang ilang kasama sa taping sa kuwarto. Eh medyo mahina ang tubig sa banyo kaya iniipon ang tubig sa isang dram.
Kaya nagtaka ang isang co-star ng aktres nang maliligo at nakitang wala nang tubig sa drum. Ginamit na pala ng character actress the night bago ang trabaho.
Pero may iba pa palang dahilan kaya sa gabi naliligo ang aktres. Ayaw niya palang makita ng kasamahan ang kanyang mga peklat sa hita at binti! Nahihiya raw siya.
Naku, mas mahiya siya kung hindi siya maliligo bago magtrabaho, huh!