MA at PA
ni Rommel Placente
PAGKATAPOS hindi i-renew ng GMA 7 ang contract ni Sunshine Dizon noong 2021, nag-decide ito na lumipat na lang sa ABS-CBN at nabigyan siya rito ng dalawang projects.
Pero hindi nagtagal sa Kapamilya Network si Sunshine, bumalik siya Kapuso Network. Next month ay magti-taping na sjya ng action-adventure series na Mga Lihim Ni Urduja.
Makakasama niya rito ang mga gumanap na Sang’gres sa defunct series ng GMA 7 na Encantadia na sina Sanya Lopez, Gabbi Garcia, at Kylie Padilla.
Si Sanya ang gaganap na Urduja.
Kasama rin sa cast sina Kapuso hunks Jeric Gonzales, Kristoffer Martin, Vin Abrenica, at Pancho Magno.
Pasok din dito ang veteran actress na si Gina Pareño, ang beauty queen-actress na si Michelle Dee, at si Zoren Legaspi.
Sa pagbabalik-GMA ni Sunshine, ilang netizens ang nadesmaya sa kanya. Nagpakawala ng masasakit na salita ang mga ito sa aktres.
Pero sinagot sila ni Sunshine. Sabi niya, “‘Wag pong kuda ng kuda hindi mo alam ang real story. wala akong na burn na bridge.
“I can work with anyone I want to work with. I can also choose not to work kung gusto ko.
“Wag masyadong nag MAMARUNONG. TY.”
O ‘di ba, halatang napikon si Sushine sa kanyang bashers.