I-FLEX
ni Jun Nardo
MALAKI ang nagawang tulong ng movie producer na si Jessie Chua para magkaroon ang showbiz ng isang Lito Lapid.
“Ginawa niya akong tao mula sa ordinaryong stuntman!” sabi ni Senator Lito sa pre-Valentine thanksgiving niya sa media friends.
Kung hindi nakalilimot si Sen. Lapid sa taong nagbigay sa kanya ng big break sa movies, gayundin ang treatment niya sa movie press na malaki rin ang naging tulong sa kanya mula noon hanggang nasa politika na siya.
Anyway, magbabalik sa primetime TV si Sen. Lito dahil muli niyang makakasama si Coco Martin sa bagong TV adaptation ng Fernando Poe, Jr. classic na Batang Quiapo.
Natutuwa ang senador lalo na’t maipakikita sa series ang mayamang kultura at heritage ng Quiapo na nais niyang i-preserve, na gusto niyang isabatas sa measure niyang Quapo Heritage Zone Act.