I-FLEX
ni Jun Nardo
HINDI napaso si Atty. Ferdie Topacio sa unang sabak ng kanyang Borracho Films sa movie production sa unang venture sa Mamasapano Story.
“Hindi naman namin na-experience ‘yung first day, last day ang movie namin sa sinehan. Natapos namin ang duration ng festival at kahit paano eh, may naibalik naman sa aming puhunan,” pahayag ni Atty. Ferdie sa second venture niyang movie na Spring In Prague.
Bida sa rcom-com sina Marco Gumabao at Sara Sandeva na mula sa Prague. Bahagi ng movie ay kukunan sa Prague at lilipad sila roon sa mga susunod na araw.
Magkano naman ang gastos niya sa movie?
“As long as I can! Passion ko ang paggawa ng movies,” bulalas ni Atty. Ferdie.
May regrets ba siya sa pagsali sa festival?
“Hindi naman siguro regrets. Gusto ko sanang ang Film FDCP (Film Development Council of the Philippines) ang mamahala nito kasi mas sila ang nakaaalam sa industry dahil nagiging fund raising ito,” rason niya.