I-FLEX
ni Jun Nardo
TAGUMPAY si Alex Gonzaga na mapag-usapan ng publiko at netizens sa viral video ng ginawang pagpahid ng cake sa mukha ng server na may hawak ng cake sa nakaraang birthday celeb niya.
Nag-apologize na si Alex sa server na Allan ang name. Todo tanggol ang defenders niya habang todo banat sa kanya ang maraming netizens.
At least, napag-usapan si Alex kahit short-lived lang but sabi nga, the damage has been done.
Next gimik, please.
Sa totoo lang, sa nakaraang mga araw, ang Gonzaga sisters na sina Alex at Toni talaga ang nasa setro ng kontrobersiya, huh!