Friday , November 15 2024
arrest, posas, fingerprints

Exec huli sa P1.3-M shabu sa parcel

ARESTADO ang isang babaeng marketing officer nang tanggapin ang isang parsela na naglalaman ng may P1.3 milyong halaga ng hinihinalang shabu na nakatago sa isang massager, sa ikinasang controlled delivery operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Cavite, nabatid kahapon.

Kinilala ang suspek na si Georgette Elio, 24 anyos, marketing officer, at residente sa Indiana St., North 1, San Marino City Subdivision, Dasmariñas, Cavite.

Itinanggi ni Elio ang akusasyon, at sinabing ang parcel ay hindi sa kanya, kundi ipinakisuyo ng isang Nigerian na nakilala niya sa pangalang Alfred, 34 anyos, na tatlong ulit umano niyang naka-date, at nanunuluyan sa Bacoor, Cavite.

Batay sa ulat, dakong 6:00 pm nitong Biyernes, nang maaresto ang suspek malapit sa kanyang tahanan.

Ayon sa PDEA, bago ang pag-aresto ay dumating ang parsela sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at nang idaan sa x-ray machine at ipaamoy sa K9 dogs, ay nadiskubreng may laman na 200 gramo ng shabu, na nakatago sa massager.

Ang parsela ay idineklara anila bilang “Deep Tissue Massager” na ipinadala ng isang Thea Kruger, may address sa 209 Grosvoner Road, 0083 Hatfield, South Africa at naka-consign kay Elo.

Agad nagkasa ng controlled delivery operation ang mga awtoridad at naaresto ang suspek nang tanggapin ang pakete.

Masusing iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente upang matukoy kung may katotohanan ang sinasabi ng suspek.

Makikipag-ugnayan sila sa Bureau of Immigration (BI) at sa South African Embassy hinggil dito. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …