SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
NILINAW ng isa sa mga producer ng 20th anniversary concert ni Toni Gonzaga na si Joed Serrano na hindi totoong mahina ang bentahan ng tiketng I Am Toni na magaganap sa January 20 sa Smart Araneta Coliseum.
Giit ni Joed, mahigit 50 percent na ang naibentang tickets sa I Am Toni concert ni Toni at may 15 percent pa ang hindi nabibili.
Pinakiusapan din ng producer na iwasan na ang mga kanegahan sa mundo ngayong 2023 at mag-focus na lang sa positibong mga bagay.
“As of January 13 friday at 4:45 p.m. The I Am Toni concert @ the smart araneta coliseum on Jan 20, 2023 has already sold 55% of the tickets.
“20% goes to the sponsors who pledged their support for their endorser toni gonzaga,” sambit ni Joed.
“Mommy Pinti ordered & paid 350 tickets for her mga friends, relatives at mga ka church mate na sa kanya umorder.
“Me as one of the producers also reserved some 300 tickets for my friends who ordered from me instead of going to ticketnet. These tickets are paid.
“Wala ng libre sa panahon ngayon except pag kapamilya mo ang manonood. Iba ang concert sa pulitika at pelikula.
“As of this date, we still have 15% tickets unsold. You can still buy your tickets & get a chance to watch this very controversial concert,” paliwanag pa ng aktor/producer.
“Its a celebration of 20 years in showbusiness & the birthday of our dearest Toni Gonzaga. Let us all unite & be positive in life.
“Move on & be kind to all. Let us all give ourselves a chance to be good in this world. Smile, wag nega sa buhay.
“Kung wala kang sasabihing di maganda sa kapwa mo, then might as well be quiet kesa magkasala ka pa at ma-stress. See you all on Jan. 20, 2023 friday 8pm at the araneta coliseum,” sambit pa ni Joed.