Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Louie Ocampo Composer Ka Lang

Composer Ka Lang concert ni Louie kakaiba

UNIQUE na unique ang title ng coming concert ng composer na si Louie Ocampo na magsisilbing 45 years niya sa music industry.

Ang title ng concert? Composer Ka Lang na gaganapin sa February 4 and 5, 2023 sa The Theater sa Solaire.

Kuwento ni Louie sa kanyang presscon, hanash ng isang talunang singer na babae sa kanyang social media account ang linyang ‘yon.

Eh constant siya sa ‘Showtime.’ I don’t know kung hindi ko siya binoto para manalo. Tapos, nabasa nga ‘yun ng friends ko na nakalagay na, ‘Composer Ka Lang.’ Hindi naman ako na-bother at hindi na ako sumagot.

“Pero eventually, humingi rin siya ng sorry sa ‘Showtime.’ Hindi ko na alam what happened to her,” sabi ni Louie.

Of course, ‘pag Louie Ocampo ang composer, naaalala natin ang mga song na Tell Me at iba pang kanta nina Martin Nievera, Basil Valdez, Zsa Zsa Padilla, Sharon Cuneta,  Regine Velasquez, Sarah Geronimo at marami pang iba na ini-expect na magiging bahagi rin ng concert ni Louie upang kantahin ang ginawa niyang hit songs. (Jun Nardo)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …