I-FLEX
ni Jun Nardo
JAPAN-BOUND ang pamilya ni Alden Richards ngayong week para magkaroon sila ng post New Year celebration at magpahinga na rin.
Naikuwento ni Manay Lolit Solis ang destinasyon ni Alden sa Instagram niya nang personal siyang bisitahin ng aktor sa kanyang tahanan sa Fairview.
Yes, naglaan ng oras si Alden kasama ang confidante niyang si Mama Ten para bisitahin si Manay isang hapon.
Hindi talent ni Manay si Alden pero ‘yung bisitahin siya sa bahay ay isang malaking karangalan sa talent manager. Madalas na bumibisita sa kanya ay ang artists niya lalo na kapag dialysis session niya.
Kaya forever grateful si Manay sa ginawa ni Alden lalo na nga’t hindi ordinaryong artista ang gaya ng Asia’s Multimedia Star, huh!