Friday , November 15 2024
Ipo Dam
Ipo Dam

3 dam sa Bulacan nagpakawala ng tubig
3,096 APEKTADONG PAMILYA INILIKAS

DAHIL sa patuloy na pag-ulan, dala ng hanging Amihan, kinailangang magpakawala ng tubig mula sa tatlong dam sa lalawigan ng Bulacan kung kaya inilikas ang  may kabuuang 3,096 residente patungo sa mga itinalagang evacuation center sa bawat komunidad na pinagkalooban ng family food packs mula sa pamahalaang panlalawigan.

Sa pangunguna ng Bulacan Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) na pinamumunuan ni Rowena Tiongson, nakapagsagawa ng relief operations para sa 1,190 apektadong pamilya dahil sa pagbaha na ang 475 pamilya rito ay mula sa lungsod ng Baliwag; 470 pamilya mula sa Norzagaray; 114 pamilya mula sa San Rafael; 88 pamilya mula sa Angat; 38 pamilya mula sa Plaridel; at limang pamilya mula sa Pulilan.

Personal na binantayan ni Gob. Daniel Fernando ang mga dam at kalagayan ng pagbaha sa lalawigan sa Communication, Control and Command Center (C4) sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office at nagbigay ng kanyang mga direktiba upang sigaruduhin ang kaligtasan ng mga residente.

“Una sa lahat, siguraduhin natin na coordinated ang mga pamahalaang lokal sa mga inilalabas na anunsiyo ng PGB. Agad ipaalam sa kanila ang mga detalye sa pagre-release ng tubig sa dam at siguraduhin ang mga apektadong pamilya at komunidad ay nailikas na. Tinitiyak rin natin na mabibigyan ang bawat pamilyang apektado ng mga family food pack habang sila ay nananatili sa evacuation centers,” anang gobernador.

Mahigpit na binabantayan ng PDRRMO ang kalagayan ng mga dam sa lalawigan dahil sa kasalukuyan, nasa 214.80 metro ang antas ng tubig ng Angat Dam; 101.04 metro sa Ipo Dam; at 17.42 metro sa Bustos Dam, na mas mataas sa karaniwang lebel ng tubig. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …