NAGBIGAY ng abiso ang Philippine Embassy sa Singapore, sa mga Pinoy sa pagpapalit ng bagong pangalan ng šššš-šš¢š§š šš©šØš«š.
Pinalitan na ang pangalan ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Singapore.
Ito ay Migrant Workers Office (MWO) na ngayon , base sa pagkakatatag ng Department for Migrant Workers, sa ilalim ng Republic Act No. 11641.
Pinapayohan ang mga Filipino doon na magpadala ng kanilang mensahe sa mga bagong email address para sa kanilang labor-related inquiries at iba pang pangangailangan.
Bukas din ang Facebook page ng Philippine Embassy sa Singapore para sa concerns ng mga Pinoy sa nasabing bansa. (GINA GARCIA)