Wednesday , May 14 2025
shabu

2 Lady drug pusher bokya sa P374-K ilegal na droga

BOKYA sa pagpasok ng Bagong Taon ang dalawang babaeng nahuli ng mga elemento ng Parañaque Police nang makompiskahan ng ilegal na droga, nagkakahalaga ng P374,000 sa Barangay San Antonio, Parañaque City.

Kinilala ni Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Kirby John Kraft ang mga suspek na sina Lanie Kusain, 22 anyos, at Sophia Andatun, 23.

Ayon sa ulat, isinagawa ang buy-bust operation ng Parañaque City Police Station, kasama ang mga tauhan ng BF Homes Police Substation laban sa mga suspek sa Headline St., Fourth Estate Subd., Brgy. San Antonio, Paranaque dakong 3:25 pm, 1 Enero ng kapapasok na taon.

Isang buyer ang nakabili ng P7,000 halaga ng hinihinalang shabu gamit ang boodle money at isang genuine P1,000 bill at doon inaresto ang mga suspek. Sa kabuuan, nasamsam ang nasa 55 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P374,000.

Nakapiit ang mga suspek na nahaharap sa reklamong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). (GINA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Alan Peter Cayetano

Oras ng pagboto, trabaho ng mga guro, kailangan ng agarang reporma — Cayetano

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma …

Marikina Comelec

Kahit nanguna sa bilangan
MARCY TABLADO SA COMELEC
May DQ ka pa – en banc

TINABLA ng Commission on Elections (Comelec) en Banc ang proklamasyon ni Marcelino “Marcy” Teodoro bilang …

Comelec Pasig

Kasama ang 92-anyos kapatid at tumangging dumaan sa priority lane
101-ANYOS BOTANTE SA PASIG UMAKYAT SA 3/F PARA IBOTO MGA KANDIDATONG SINUSUPORTAHAN

KABILANG ang isang 101-anyos senior citizen sa mga pinakamaagang nagtungo sa San Miguel Elementary School, …

Comelec QC Quezon City

3 botante sa QC hinimatay sa matinding init

INIULAT ng Quezon City Disaster Risk Reduction Management Office (QCDRRMO) na tatlong babaeng botante ang …

Comelec Vote Election Hot Heat

Sa Pangasinan
Buntis na nagle-labor bumoto, senior citizen dedbol sa init

SA KABILA ng mga hudyat ng pagle-labor, nagawang bumoto muna ng isang buntis sa lalawigan …