UMABOT sa 160 pamilya ang nawalan ng tirahan makaraan lamunin ng apoy ang halos 100 kabahayan sa San Dionisio, Parañaque City noong Lunes.
Malungkot na sasalubungin ang Bagong Taon ng mga residente matapos tupukin ng apoy ang kanilnag tahanan.
Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), aabot sa P400,000 ang halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy na nagsimula bandang 3:05 am.
Tatlo katao ang iniulat na bahagyang nasugatan, kabilang ang isang fire volunteer.
Halos isang oras ang sunog na umabot sa fifth alarm matapos ideklarang fireout bandang 7:09 am.
Patuloy na inaalam ang naging sanhi ng sunog. (GINA GARCIA)