HARD TALK
ni Pilar Mateo
NATUPAD at nagampanan ni Doc Mike Aragon ang paghahatid-saya niya sa mga nagsidalo at nag-participate sa katatapos lang na Celebrities at Iba Pa Laban sa Climate Change na nataon din sa pagdiriwang ng kaarawan ng ating bayaning si Andres Bonifacio.
Sa layong mapalaganap ang nasimulan ng Clean Air Act, nag-anyaya ng mga cosplayer si Doc sa nasabing pagtitipon na isang contest sa may pinaka-makabuluhang costume na ayon sa adbokasiya ang magwawagi.
Ang mga nanalo ay ang sumusunod:. Over all-Jolito Beral—Sun Wukong (PHP 30K); Anime—Kean Juries-Chainsaw Man(PHP 10K); Armor—Joren Dave Rivas—Dragong Wukong (PHP 10K); Cloth—Glenn Cuevas—Joker(PHP 10K); Games—Eliza Ann Pecaoco-Freya(PHP 10K).
Agad-agad na naipamahagi ni Doc Mike ang mga premyo ng mga nagsipagwagi na sinaksihan ng media.
Umasa ang KSMBPI sa suporta ng ilang mga tao pero sa kung anong mga kadahilanan ay hindi na nga naganap.
Gayunman, paumanhin pa rin ang hiningi ni Doc Mike sa media na sumaksi sa pagtitipon ng mga nagwagi sa nasabing kontes.
“Pasensiya na po kayo lahat sa twist ng mga nangyari sa awarding of cosplay winners at presscon natin kanina. We are in good faith.
“But I believe na blessing in disguise rin ito sa KSMBPI kasi magiging opportunity ito for the truth to come out.
“Victim ang KSMBPI rito. Nagtiwala kami…
“The truth shall set us free.
“Maraming salamat sa inyong lahat. God bless us all.”
Hindi naman dito matatapos ang advocacies ni Doc Mike primarily sa pagpapalaganap ng clean air act!