I-FLEX
ni Jun Nardo
NAHULAAN agad ng netizens kung sino ang magbabalik na showbiz icon sa inilabas na teaser ng GMA Network sa kanilang social media pages.
Ang King of Talk na si Boy Abunda ang hula nang karamihan sa teaser. May positibo sa kung siya ang babalik sa Kapuso Network at may negatibo sa may ayaw sa kanya.
Pero sino ba naman tayo para kuwestiyonin ang desisyon ni Boy? Eh kung magbalik sa una niyang network bago napunta sa Kapamilya, huwag tayong maging judgmental, huh!
Sabi nga nila, trabaho lang, walang personalan! Aminado si Boy na miss na miss na niya ang on camera interview eh mahusay naman siya pero sure naman na kapag may show na siya sa GMA, iibahin naman niya ito kompara sa nagdaan niyang shows sa ibang network, huh.