PALALAKASIN ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pakikipagtulungan at pagbuo ng partnership sa pagitan ng mga miyembro, ibang ahensiya ng pamahalaan, pribadong sector, at non-government organizations (NGOs).
Ang pahayag ng MMDA, kasunod ng isinagawang organizational meeting ng Regional Development Council – National Capital Region at ang sectoral committees.
Kasama ang ilang Metro Manila Mayors ng San Juan, Quezon City, Malabon City, at Navotas City.
Nagkaroon ng orientation sa mga bagong itinalagang committee chairpersons, co-chairpersons, at mga miyembro nito tungkol sa kanilang tungkulin at responsibilidad sa Regional Development Council, sa National Capital Region. (GINA GARCIA)