Sunday , November 17 2024
Nico Antonio Big Bet Disney+ Korean

Dalawa pang international projects, nakakasa na rin
NICO BIBIDA SA DISNEY+ ORIGINAL SERIES NA BIG BET

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

RAMDAM ko kung gaano ka-proud ang ina ni Nico Antonio, si Atty. Joji Alonso dahilmakikipagsabayan ang aktor sa mga beteranong Korean actor sa kanyang pagganap sa upcoming Korean action series na Big Bet na mapapanood worldwide simula Dec 21 sa streaming app na Disney+.

Kami man ay natuwa nang ikuwento ni Nico kung paano siya nakapasok sa Big Bet na nang hingan ng audition piece ay kaagad nakapasa sa panlasa ng mga Koreano. Hindi ito ang unang pag-audition ni Nico, lumarga rin pala siya noon sa Squid Game. 

At ‘wag isnabin ang mga makakasama ni Nico sa Big Bet dahil pawang mga bigatin ang mga ito tulad nina Choi Min Sik (Old Boy), Son Suk-ku (The Outlaws 2), Lee Dong-hwi (The Extreme Job), Heo Sung-tae (Squid Game), at Kim Joo-ryung (Squid Game) sa naturang Disney+ original series tungkol sa hari ng casino na si Cha Mu-Sik (Min Sik), na iikot ang mundo matapos masangkot sa isang murder case.

“Ako rito si Mark Flores, isang CIDG operative na naatasang imbestigahan ang mga nangyayaring pagpatay sa Korean citizens dito sa Pilipinas,” sabi ni Nico.

January nitong taon nang mag-audition si Nico para sa Big Bet. Ang tanging alam niya lang noon ay nag-a-audition siya para sa isang Korean project.

“Wala akong idea kung ano itong pinag-a-auditionan ko until I had a callback and ‘yun na, no other than director Kang Yoon-sung met with me and explained to me the role,” pagsariwa ni Nico. “Roon ko na rin na-realize na importante pala ‘yung role na in-audition ko.”

Napag-alaman naming si Nico ang pinakaunang Pinoy actor na ipinatawag at nai-cast ng director na si Yoon-sung. May iba ring mga Pinoy ang kasama rito. 

“I saw Nico’s natural acting. I have seen some of Nico’s acting footage and I believe he knows what good acting is about. He knows it,” sabi ni Yoon-sung.

Sa isang interview, nasabi ni Yoon-sung na ang kuwento ng Big Bet ay inspired sa kakilala niyang Korean casino owner sa bansa. Matapos makilala ang mga tao sa paligid nito, naisipan niyang gumawa ng kuwento at gawin itong isang drama series.

“I always wanted to work on a drama series, featuring a long story. And I thought delivering ‘Big Bet’ with two different parts was an appropriate choice for the viewers to enjoy the series,” sabi ni Yoon-sung.

Nang tanungin tungkol sa kanyang experience, inilarawan ito ni Nico bilang “challenging yet fulfilling” lalo pa kung isa kang Pinoy actor na nakakatrabaho ang ilan sa pinaka-professional na mga aktor at pinaka-experienced na production crew.

“You have to be on your toes always. ‘Yung mga aktor na katrabaho ko lahat sila ready pagdating sa set. And hindi rin naman ako nahirapan makipag-communicate sa kanila kasi marunong silang mag-Ingles.”

Samantala, pagdating naman sa pakikipag-eksena kay Min Sik, isa sa tinitingalang aktor ni Nico, masasabi niya na magaan ito katrabaho. “Dama mo rin talaga na in character siya kaya dapat attentive ka rin sa character mo.”

Overall, proud si Nico hindi lang sa kanyang performance kundi sa lahat ng kapwa Pinoy actors niya na naging bahagi ng Big Bet

“Hindi naman tayo napahiya. Naitayo naman natin ang bandera ng Pilipinas,” buong pagmamalaki ni Nico.

Maging ang direktor na si Yoon-sung ay masaya sa naging performance ng mga Pinoy actor lalo na kay Nico. “I’m very happy to work with Filipino actors and staff for three months. I couldn’t make this series without their dedication,” aniya. “(Nico) definitely did well. I could imagine who Mark was when Nico first played his role in shooting. He is an amazing actor.”

Ang Big Bet ang pinakamalaking acting break to date ni Nico matapos ang kanyang 19 years sa showbiz. Nagsimula siya bilang talent sa Panday na pinagbibidahan ni Jericho Rosales, at patuloy na gumanap sa iba’t ibang papel sa telebisyon at maging sa mainstream at independent cinemas. Isa sa pinakatumatak niyang roles ay ang karakter ni Tolayts sa top rating ABS-CBN serye na On the Wings of Love. 

Lingid sa kaalaman ng marami, si Nico ay nag-aral ng abogasya sa San Beda College at San Sebastian College at nakapagtapos ng AB European Studies sa Ateneo De Manila University.

Minsan ko nang pinag-isipan noon kung law o acting ba ang ipu-pursue ko pero acting talaga ang isinisigaw ng puso ko,” sabi ni Nico.

Tila tama naman ang kanyang naging pasya dahil ang Big Bet ay isa lamang sa tatlong international projects na kanyang ginawa at mapapanood soon sa tatlong magkaibang giant streaming platforms.

Natanong din namin si Nico kung okey lang na mamalagi siya sa Korea habang maraming offer, aniya, “walang problema kung para sa ekonomiya.”

Abangan si Nico sa Big Bet sa Dec 21 na sa Disney+.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Dominic Pangilinan Paul Singh Cudail Ako Si Juan

Direk Paul Singh Cudail, balik pelikula via ‘Ako Si Juan’

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULANG maging direktor ng pelikula Paul Singh Cudail noong 2011. …

BingoPlus Miss Universe 1

BingoPlus Stands as the Official Livestreaming Partner in the Philippines for the 73rd Miss Universe

BingoPlus, your comprehensive entertainment platform in the country, is proudly supporting the upcoming 73rd Miss …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …