I-FLEX
ni Jun Nardo
FANATIC viewer din pala si Wally Bayola ng Kapuso afternoon show na Abot Kamay Na Pangarap na napapanood after Eat Bulaga.
Eh nitong nakaraang mga araw, isa sa choices sa Bawal Judgmental ng Eat Bulaga ang isa sa cast ng series na si Wilma Doesnt.
Kaya nang si Wilma na ang kinausap, isiningit talaga ni Wally ang tanong kung ano ang mangyayari pa lalo na sa mga bidang sina Richard Yap at Jillian Ward.
“Gusto mo ikuwento ko sa ‘yo mamaya? Tapos na ang taping namin. Ha! Ha! Ha!” sagot ni Wilma kay Wally.
Samantala, kamakailan ay nagsagawa ng medical mission ang cast ng GMA series sa isang lugar sa Quezon City kasama ang ilang military peeps na may mga doctor din.
Kahit artista na rin, may feeling na fan din si Wally, huh!